Ibinahagi ng isang concerned netizen sa social media ang larawan ng isang batang nagtitinda ng ice candy na napadaan sa kanyang bulalohan at mukhang pagod na pagod.
Photo credit: Rempillo Nhel
Kwento ni Rempillo Nhel, patingin tingin raw ang bata sa kanyang paninda at tila gutom na gutom.
Hindi na nagdalawang isip si Rempillo na tawagin at alukin ang bata na kumain sa kanyang paninda.
“Alam mo yung pakiramdam na gutom na gutom ka na pero WALA ka pang benta? At yun nga inalok ko ng pagkain sabi ko libre ayaw pa nung una kasi nakakahiya daw, pero bandang huli napakain ko rin siya," sabi ni Rempillo.
Photo credit: Rempillo Nhel
Photo credit: Rempillo Nhel
Sa kanilang pag-uusap ay napag-alaman ni Rempillo na araw-araw nagtitinda ng ice candy ang bata upang may ipambili ng gamot para sa kanyang nanay na may sakit.
“Nag kwento na ang bata habang kumakaen, araw-araw daw siya naglalako ng ice candy, nang tignan ko ang box ay halos wala pang bawas ang paninda ng bata. tapos sabi pa ng bata na kaylangan niya daw mag tinda araw-araw para sa nanay niyang may sakit, siya lang daw ang inaasahan pag hindi siya makabenta wala silang kakainin,” kwento ni netizen.
“Naawa ako kaya nagpaalam ako na picturan ko siya, sabi ko post naten sa FB malay mo kahit papano may tumulong ” dagdag niya.
Nagbigay ng konting tulong si Rempillo ngunit alam niyang hindi ito sapat upang makatulong sa bata at sa nanay nitong may sakit. Kaya nanawagan siya sa mga netizens na kung maaari ay tulungan ang bata kung sakaling makita nila ito.
“Sa may mabubuting puso jan share natin ito para matulungan kahit pa piso-piso ay malaking tulong na sa bata sa araw-araw nila ng nanay niyang may sakit. Wala siyang gcash tinatanong ko,sabi ko daan siya dito araw-araw pag may nag abot ng tulong bibigay ko sayo.”
Wala namang nabanggit sa Facebook post kung saan lugar at anong pangalan ng bata.
Samantala, sa ngayon ay burado narin ang nasabing post kaya hindi namin alam kung papaano makakuha ng impormasyon upang matulungan ang bata.
***
Source: TipsTricks