Basurera noon, CEO na ngayon ng sarili niyang business. - The Daily Sentry


Basurera noon, CEO na ngayon ng sarili niyang business.



Ang dating basurera o nangangalakal ng mga basura noon sa Payatas, Quezon City, para kumita at may makain at isa ng successful business woman ngayon.
Photo credit: Google and Joy Binuya

Si Joy Binuya, 30, ay isa ng distributor ng beauty essentials at mayroon siyang labing-apat na staff members, kabilang na ang kanyang mga kapatid.

Dahil sa pagsisikap ay marami ng natupad at unti-unting ng naabot ni Joy ang kanyang bawat pangarap. Nag-focused siya sa pag-iipon at hindi naging maluho dahil alam niyang ang halaga ng bawat pisong kinikita.

Sa ngayon ay nakabili na siya ng isang condominium unit. Naipagawa at naging two stories na rin ang kanilang bahay na dati ay halos magiba na at tumutulo tuwing umuulan.
Photo credit: Joy Binuya
Photo credit: Joy Binuya

Noong 2019 ay napag-aral niya ang kanyang sarili sa kolehiyo at nagtapos na magna cum laude.

Ngunit bago niya nakamit ang lahat ng ito ay hindi biro ang hirap at sakripisyong pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya.

Sa isang article ng PEP.ph, inilahad nila ang success story ni Joy gamit ang Facebook post nito na may pamagat na “BASURERA TURNED CEO" at ang kanilang naging interview noong Oktubre 07, 2021.

Kwento ni Joy, salat sial sa buhay noon at noon at nakatira malapit sa Payatas, Quezon City. Panlima siya sa anim na magkakapatid.

Aniya, bata pa lamang siya ay marami na siyang pinagdaanang pagsubok at mulat na siya sa kahirapan.
Joy Binuya / Photo credit: PEP

“I was 5 years old when my father died from heart attack... Wala kahit pisong naiwan sa amin. Yung nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin."

Kahit anong trabago raw ay pinapasok ng kanyang ina ina para matustusan silang magkakapatid.

She thought of many ways to earn like gumawa ng basahan, mag-manikurista, mananahi, and yung pinaka naging work niya is pamamasura,” sabi ni Joy.

Mula 1996 hanggang sa ipasara ang dumpsite, ang main source of income daw nila ay pangangalakal ng basura.

Yes, sa pamamasura kami nabuhay at nakapag-aral,” saad niya.

Sa panahong iyon, bagamat hangad niyang makatapos ng college, hindi siya sigurado kung mangyayari ito.

Malungkot kapag nakikita mo yung mga kasabayan mo nagtapos ng high school, nakakasakay mo, naka-uniform na pang-college…Tapos ikaw nakapang-saleslady.”

Hindi naman daw niya minamaliit ang trabahong saleslady dahil ito ang kanyang naging trabaho sa maraming taon.
Photo credit: Joy Binuya

Nang makatapos raw ng high school ang kanyang ate at kuya, mas pinili ng mga ito ang magtrabaho para tulungan ang kanilang ina sa pamamagitan ng pangangalakal.

Ako naman din tumutulong sa kanila pagkagaling ko from school. Naghahatid ako ng pagkain. Umaakyat ako sa bundok ng basura kahit ang init-init. Hehe. Tumutulong din ako magpili ng kalakal, bakal, sibak, panta, etc. Puwede nga ako mag-work [sa] junk shops, eh, haha, charot,” natatawang kwento ni Joy.

Grade 4 nagsimulang tumulong sa kanilang ina si Joy sa pangangalakal. Hanggang sa pagtungtong niya ng high school ay tumutulong pa rin siya kasama ang mga kapatid.

Taong 2008 nagtapos ng high school si Joy, gaya ng kanyang mga kapatid, nagtrabaho siya upang makatulong sa kanilang pamilya.

After high school, habang bakasyon pa at wala pa mahanap na trabaho, pumasok akong tindera sa mga tiyangge. 
Yung may ‘WANTED TINDIRA’ ganun."

Pinapatungan niya ang ibinebentang timba, walis, at tabo para sa kanya raw mapunta ang tig-PHP20.

Biro ni Joy, “Hahaha. Sorry po. Nakatulong naman kayo sa akin po. Hehe.
Photo credit: Joy Binuya
Photo credit: Joy Binuya
Photo credit: Joy Binuya

Kapag kayang sumama sa kanila, umaakyat pa din ako sa dumpsite,” sabi niya.

Pagsapit ng high school, suwerte siyang naging scholar sa programa noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngunit kailangan pa rin magtipid dahil gipit na gipit sila.

Aniya, “Elementary and high school, isa lang uniform ko. Wash and wear pa. ’Tapos wala pa kaming plantsa haha.

Tuwing recess ay humihiwalay si Joy sa kanyang mga kaklase.

Kunwari bababa sa canteen, pero wala namang pambili. Magpapatagal lang kasi nakakahiya naman mag-stay sa room na sila kumakain, ‘tapos ako wala."

Kapag tinatanong siya ng mga kaklase pagbalik sa classroom, sasabihin raw ni Joy na kumain siya ng biscuit “kahit wala naman talaga.

Limang piso raw ang baon niya, pero dahil gustong makaipon para makabili ng work books, maglalakad na lang siya pauwi.

Lagi ko inuuna bilhin [ang] MATH work book. Kahit wala na ako ng iba basta may Math ako.”

Pagdating naman sa ibang work books, sinusulat niya ang mga ito sa yellow pad paper dahil wala siyang pang-xerox.

Tiyaga lang kahit laki na ng kalyo ko sa kamay.”

Isang Chinese ang kanyang boss noon at PHP100 kada araw ang sahod niya. Makalipas ang tatlong buwan ay nagpaalam na siya dahil mag-aapply siya bilang saleslady sa isang kilalang mall.

Hindi raw makakalimutan ni Joy ang pang-iinsulto at pangmamaliit na sinabi sa kanya ng kanyang amo nang magpaalam siya.

“Sabi niya, ‘Akala mo matatanggap ka dun, high-school grad ka lang. Sige, mag-apply ka dun sa inaasam-asam mong SM!’

Dugtong ni Joy, “At natanggap na nga ako sa SM, dito na ako nabulok. Hehe charot.”
Photo credit: Joy Binuya

Mula 2009 hanggang 2013, nagpaikot-ikot si Joy bilang saleslady at clerk.

“Lahat na ata ng branch ng SM na-assign na ako. Andiyan yung mumurahin ka ng customer, mamaliitin ka, duduruin ka. Akala niyo okay kami, no? Kasi kuntodo makeup ‘tapos nakatakong pa. Deep inside wala nang pera iyan. Nakasangla pa ATM. May 5-6 pa,” kwento niya.

“Every night pag uuwi, umiiyak ako bago matulog kasi paulit-ulit na lang, walang nagbabago hindi ka masaya. So, dun lang umikot yung ilang taon ko. Endo [end of contract], apply. Endo, apply,” dagdag niya.

Dumating rin daw yung pagkakaraon na “feeling down na down” na siya at “parang wala nang patutunguhan yung life ko.”

Dumaan siya sa St. Peter Parish: Shrine of Leaders sa Commonwealth, Quezon City, at doon ibinuhos ang lahat ng kanyang luha.

I’m telling Him that, ‘Lord, I'm tired. Ang dami ko pa pong pangarap. Kayo na po bahala sa akin if ano mang plano Niyo po para sa akin.’ Alam mo, true enough na ibibigay ni Lord yung pinagdadasal mo. Just learn to wait. Hindi mo alam kasi bigla na lang at di mo inaasahan,” saad niya.

Taong 2014, nagdesisyon si Joy na pasukin ang “drop-shipping” ng beauty products kahit na wala siyang puhunan.

"Kumbaga, nagbebenta lang ako para doon sa iba, pero parang ako yung parang middle man nila. Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon.”
Photo credit: Joy Binuya

Kuwento niya, “I bought phone, ‘tapos napansin ko yung opportunity ng social media kasi sobrang daming nag-o-order online. So I tried maging reseller. Wala akong puhunan except may cp [cellphone], load for internet, and sipag. May mga times na utang pa, but it’s okay, nagsisimula pa lang, e.”
 
Kumikita ako ng 20 pesos, masaya na ako. Iipunin ko then pag lumaki, magdadagdag ako ng ibebenta. Until nakaipon ako. Kasi ang bilis nakaipon. Ang lakas kasi. Nung 2014, wala pa masyadong nagbebenta ganoon, so, ang bilis kong nakaipon,” dagdag niya.

Taong 2015 nang magdesisyon si Joy na ipagpatuloy ang pag-aaral kasabay ang pagtatrabaho. Nag-enroll siya sa National College of Business and Arts sa Fairview, Quezon City.

Una, nagdadalawang-isip pa ako talaga kasi feeling ko nabobo na ako. Feeling ko mangungulelat na ako.”

Anim hanggang pitong taon kasi nang mahinto siya sa pag-aaral.

Pero siyempre, DREAM ko talaga ito. So, grab ko na."

Kumuha siya ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.

Aniya, “First choice kong course was Accountancy, pero dahil feeling ko nga nabobo na ako, pinili ko mag-BSBA dahil magagamit ko din naman sa business."

Naging qualified din siya para sa scholarship kaya sinunggaban din niya ito.

Nagpursige ako kasi makakabawas din yun sa gastos kasi less sa tuition."

Hindi rin naging madali ito dahil dala-dala niya ang mga products papuntang Cubao na siyang drop-off point, bago siya papasok sa school.

Study and doing business at the same time. Mahirap pero dahil gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo iniinda yung hirap. I was so blessed kasi di ako pinabayaan ni Lord.”

Sa paglago ng kanyang negosyo, nag-on-hand na si Joy at binitawan na ang drop-shipping.

Maliit lang nung 2015. Habang nag-aaral ako, lumalago na siya. Meron na akong [pera], bumibili na ako ng products na bulk. May discount na ako, kaya ako na mismo nagsi-ship ng items. Galing na mismo sa akin. Hindi na siya galing sa supplier,“ sabi niya.

Taong 2019, nakapagtapos na si Joy bilang magna cum laude.
Photo credit: Joy Binuya

Ani Joy sa kanyang post, “Ngayon, graduate na ako. Lahat ito pinaghirapan ko. Kaya alam niyo na bakit ganun na lang ako kasipag, bakit nagagalit ako sa ibang taong walang pagpapahalaga sa pag-aaral nila.”

Hindi lang naman pera ng magulang ninyo ang sinasayang niyo, kundi nasasayang din yung tinuturo ng guro ninyo sa inyo.”

Sana raw ay bigyang halaga ng mga estudyante ang pagkakataon nilang makapag-aral.

“Mas maraming deserving na sana nasa posisyon ninyo, pero kayo ang inilagay diyan, kaya you should be thankful,” aniya.

Ang sarap sa feeling na napagtapos mo yung sarili mo. Sobrang laking achievement.”

Pagkagraduate ay nakapasok si Joy bilang fiscal clerk sa Supreme Court. Isinabay rin niya ang kanyang negosyo.

Hanggang sa tumama ang pand3mya, pero patuloy ang paglago ng kanyang negosyo.

Pagkatapos ng anim na buwan, nagbitiw na siya bilang clerk at nagfocus sa pagbebenta ng kanyang beauty products.

Anim na taon na ang kanyang negosyong Clarity Essentials at patuloy ang paglago nito sa gitna ng pand3mya.
Photo credit: Joy Binuya

Nakagpatayo rin siya ng office sa kanilang bahay, “Dito lang din sa house namin, nagpagawa ako ng sariling office, ‘tapos work place."

Labing apat ang kanyang empleyado, kabilang dito ang kanyang mga kapatid.

Ang kanilang mga produkto ay idini-deliver sa pamamagitan ng dalawang kilalang online shopping and selling services sa bansa at pati na rin via Facebook.

Online po kasi siya, e. Araw-araw may order. May manufacture po kami [ng products]. Sila po talaga kuhaan namin.

Payo ni Joy sa mga katulad niyang may pangarap sa buhay, “’Wag ka lang mag-quit. May goal ako kahit di ko alam paano makakamit siya noon. ‘Tapos pray lang ako nang pray. Tapos biglang 360, biglang ikot mo ganito na siya. Kasi kailangan may goal ka, kahit di mo alam kung paano mo siya maa-achieve. Tsaka ayun, pray, pray, pray. Masipag lang ako magdasal.


***
Source: PEP