Ama binilhan ng bike ang anak mula sa mga inipong barya na tag 10 piso - The Daily Sentry


Ama binilhan ng bike ang anak mula sa mga inipong barya na tag 10 piso





Photo courtesy of Facebook @Bisekleta Manila


Dahil sa kagustuhang mapagbigyan ang kanyang anak sa kahilingan nitong magkaroon ng bisekleta, isang ama ang di nag-atubiling ibigay ito para sa mahal na anak.

 

Nagviral ang post ng isang tindahan ng bisekleta sa kanilang Facebook page, Bisekleta Manila noong October 20, 2021, kung saan makikita ang isang lalaki na may bitbit na maraming barya na pambayad sa  biniling bisekleta*



Ikinagulat ng mga staff ng tindahan ng mga bike na ito, dahil sa dami ng bariyang dala ng lalaki at marahil dala na din sa nahihiya ito ay nagtanong pa umano ito sa kanila sila daw ba ay tumatanggap ng puro barya.

 

Hindi naman tumanggi ang nasabing bike shop sa katunayan ay natuwa pa nga sila sa lalaki dahil napag-alaman nila na ireregalo pala ng lalaking ito ang bike para sa kanyang anak na humihiling nito.

 

Di na nag-atubili ang mga staff ng bike shop at kanilang tinulungan ang ulirang ama na maimili ng bike, Nung una ay hindi3. available ang gustong model na bike ng kanyang anak kaya namili na lang ito ng ibang disenyo.

 

At nang makapili na sila ng bike at tulong tulong ang mga staff na magbilang ng tig sasampung pisong barya, na aabot sa 1,300 na piraso o P13,000.  *


Photo courtesy of Facebook @Bisekleta Manila


Makikita sa caption ng Bisikleta Manila ang kanilang post na: “The whole team is so proud of you, Sir Manny Herrera of Bacoor, Cavite, for your hard work and determination in getting the bike of your dreams. "

  

“May you and your son enjoy your new bike. Happy to see you today. We got so inspired.” ani pa ng nasabing bike shop.

 

Natutuwa naman ng mga staff ng Bike Manila dahil pakiramdam nila ay kasama din sila sa pagbibigay ng kasiyahan ng tatay na ito sa kanyang anak.

 

Kinilala ang nasabing customer na si tatay Manny Herrera mula pa sa Bacoor, Cavite. Lumuwas pa ito sa Metro Manila para lamang bumili ng bike sa Maynila upang makamura at makapili na din ng magandang klase na akma sa hilig ng anak.  *


 

Photo courtesy of Facebook @Bisekleta Manila


Nakakatuwa isipin na mula ito sa pinag-ipunan ni tatay Manny na pambili ng bisikleta na nagkakahalaga ng PHP13,000.

 

Ayon sa kwento ni Tatay Manny sa panayam ng PEP noong October 22, 41 years old na siya, at dating butcher sa palengke. Dahil sa kagustuhang magtayo ng sariling maliit na Negosyo kaya nakipagsapalaran ito.

 

“Nag-resign ako sa pagiging butcher noong 2015. Nagtayo kasi kami ng tindahan noong last quarter ng taon na iyan. Kailangan ni misis ng katulong sa pagtitinda kasi nahihirapan na siya.” Kwento ni tatay Manny.

 

At mula ng magtinda sila sa palengke ay palagi na silang nakakaipon ng mga barya, at palagi nyang napagkakamalian ang mga itsura ng barya.


 

“Nalilito kasi ako doon sa sampung-pisong barya at sa limang piso.” Anito.

 

"Napagkakamalan kong pareho. Kaya ang ginawa ko, pinaghihiwalay ko. Magkaiba ng lalagyan.” Pagbabahagi pa ng ulirang ama.  *

 

Photo courtesy of Facebook @Bisekleta Manila


Dito na nagsimulang ipunin ni tatay Manny ang lahat ng baryang sampung piso. Naisip nya ding ilagay ito sa isang malaking PVC pipe na binigay sa kaniya at ginawa ng nya itong alknsya.

 

“Basta may sampung-pisong barya, doon ko na isinu-shoot. Pag napuno na, inililipat ko sa malaking garapon ng kendi. Hanggang ayun, dumami na.” kwento pa niya.


Ang plano talaga nya noong una ay ipambili ang naipong barya ng bike na para sa kanya dahil isa ring bike enthusiast ito. Pero dahil sa katatapos lamang mag birthday ang kanilang anak, naisipan nilang mag-asawa na iregalo na lang ito sa anak.

 

“Pero nag-birthday na kasi yung pangalawa kong anak noong October 18 kaya naisip naming mag-asawa na yun na ang iregalo sa kanya kasi gusto rin niyang magbike.” Kwento pa nito.  *

 

Photo courtesy of Facebook @Bisekleta Manila


Kaya naman napagsama sya sa manugang, gamit ang motorsiklo nito, at lumuwas sila ng Maynila para magcanvass ng bike.

 

Hirap na hirap silang bitbitin ang mga barya, at napaka bigat daw umano nito. Mabuti na lamang at nagpasama sya sa manugang.


 

“Halinhinan kaming magbuhat ng kasama ko habang naghahanap kami ng bike sa Quiapo. Para kaming may buhat na batang mabigat.” Dagdag pa ni tatay Manny.

 

Nagkataon naman na out of stock ang bike na gusto ng anak niya kaya siya na lang ang pumili ng modelo ng bike na alam niyang magugustuhan nito.

 

“Ang gusto sana ng anak ko, e, yung offroad bike. Nasa PHP32,000 ang presyo nun. Dala ko naman ang halagang iyan. Yung iba papel, yung PHP13,000 ang puro sampung-pisong barya. “ kwento pa nya.

 

“Pero dahil wala ngang stock, iba na yung binili ko. Doon ko ibinayad yung PHP13,000 na barya." Ani pa niya.  *


 

Photo courtesy of Facebook @Manila Bulletin

Mabuti na lang at mababait ang mga staff ng Bisekleta Manila at agad silang inasikaso kahit puro barya ang ipambabayag nila.

 

"Tuwang-tuwa nga yung nasa Bisikleta Manila habang binibilang namin.” Aniya.

 

Sinakyan na ni tatay Manny ang bike pabalik sa Cavite kesa bitbitin pa niya ito habang angkas sa motor ng manugang.

 

“Pagdating namin, hindi agad kumbinsido yung anak ko kasi nga iba ang gusto niya. Pero nang masakyan niya at magamit, natuwa na siya. Nagustuhan na niya.” Masayang kwento niya.

 

Pina-alalahanan na din agad ni tatay Manny ang anak tungkol sa responsableng pagbibisekleta at tamang pag gamit nito sa kalsada.


 

“May curfew dito sa amin kaya hindi siya puwedeng magpagabi. Kailangang uwi agad. Saka kailangan laging mag-ingat sa daan.”

 

At dahil naging habit na niya ang mag-ipon ng ten-peso coins, ayon kay Manny ay tuluy-tuloy siya sa old school na pag-iimpok.

 

“Nakakatuwa kasi lalo na pag malaki ang naipon.” Masayang pagbabahagi ng ama.  *

 

Photo courtesy of Facebook @Manila Bulletin