Tatay na pedicab driver, natagpuang walang buhay habang nakasakay sa kanyang pedicab - The Daily Sentry


Tatay na pedicab driver, natagpuang walang buhay habang nakasakay sa kanyang pedicab



Dahil sa pand3myang kinakaharap natin ay mas lalong humirap ang pamumuhay ng bawat pilipino. Maging ang ating mga lolo at lola ay napipilitang maghanap-buhay upang makatulong sa kanilang pamilya.
Photo credit: Papa Rome

Samantala, viral ngayon sa social media ang Facebook post ng netizen na si Papa Rome kung saan makikita ang mga larawan ng isang tatay na wala na umanong buhay habang nakasakay sa kanyang pedicab.

Bukod sa mga larawan na in-upload ng netizen ay wala ng ibang impormasyon ang nakalagay sa post kaya hindi malaman kung ano ang naging sanhi ng pagkawala ni tatay.

Makikita sa larawan si tatay na bumagsak mismo sa kanyang pedicab, nakayuko ang ulo habang wala ng hininga.
Photo credit: Papa Rome
Photo credit: Papa Rome

Ayon sa mga comments ng netizens, marahil ay na-str0ke ang pedicab driver dahil sa sobrang init at pagod na naging sanhi ng pagpanaw nito.

Makikita rin sa larawan ang isang pulis na tumatawag upang humingi siguro ng tulong.
Photo credit: Papa Rome

Dumagsa ang pakikiramay ng mga netizens at nagpa-abot ng kanilang pagdadalamhati para sa mga naulilang pamilya ni tatay.

May mga netizens din na gustong tumulong sa pamilya ni tatay ngunit hindi nila alam papaano sila kokontakin.

Sa ngayon ay mayroon ng 32k reactions at 9.7k shares ang nasabing post.


Ang tradisyonal na pedicab sa Pilipinas ay binubuo ng isang bisekleta at ang tinatawag na sidecar kung saan doon sumasakay ang mga pasahero.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

May iba't ibang klase ng pedicab sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang ilang klase ng pedicab ay nasa likod ang sasakyan ng mga pasahero.

Sa ibang bansa ay mayroon din iba't ibang tawag sa pedicab katulad ng bike taxi, velotaxi, bikecab, cyclo, beca, becak, trisikad, sikad, tricycle taxi, trishaw at hatchback bike.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner


***