Ang Millipede o mas kilala sa Pilipinas na singsing pari ay mayroon palang panganib na dulot sa ating katawan.
Sa Facebook post ni Dr. Richard Mata, sinabi nito na ang millipede ay nag-rerelease umano ng toxin sa katawan kapag hinawakan na maaaring magdulot sa atin ng allergy o pagkapaso sa ating balat.
Ayon kay Dr. Mata, “millipede burn” daw ang tawag dito.
Sa kanyang post, ibinahagi Dr. Mata ang larawan ng paa ng isang batang tinapakan ang millepede. Makikita sa paa ng bata na tila nasunog ito.
Ibinahagi rin ni Dr. Mata kung ano-ano ang mga dapat gawin kung sakaling mahawakan o matapakan natin ang millipede.
Narito ang kanyang buong post:
“Millipede Burn
Ito po ay totoo. Yung baby ay tinapakan niya ang Millipede at ganito ang nangyari sa paa niya.
Di alam ng marami ay nagrerelease ng toxin sa katawan nito na pwede maka allergy o makapaso sa balat ng tao known as “Millipede Burn”
So far ok na po ang baby, sabi ng Mother.
Ano ang pwedeng gawin kapag ito ay nangyari?
1. Wash with soap and water immediately
2. Avoid touching your eyes baka sa mata mapunta
3. You can apply cold compress to lessen the reaction.
4. Pwedeng magtake ng antihistamine gaya ng Cetirizine
5. Kung mukhang allergic reaction like namumula, you can apply Hydrocortisone cream. Aloe vera gel pwede ring gamitin.
6. If parang burn talaga, you can apply antibacterial cream or ointment like Mupirocin.
7. Dalhin sa hospital kung di tumitigil ang iyak, sobrang kate o matamlay.
Photo care of mother, reposted for health info.
Dr. Richard Mata - Pedia”
Sa isa pang post sa Facebook, ibinahagi ang mga larawan ng isang batang na-ospital na namamaga ang mga labi dahil sa millepede.
***
Source: Dr. Richard Mata | Facebook