Plastik lang pala! Plantita, 2 taong diniligan at inalagaan ang inakalang totoong halaman. - The Daily Sentry


Plastik lang pala! Plantita, 2 taong diniligan at inalagaan ang inakalang totoong halaman.



Dahil likas sa iilan sa atin ang pagkahilig sa pagtanim at pag aalaga ng mga halaman ay nauso at sumikat ang mga indibidwal na tinaguriang mga 'plantito' at mga 'plantita'.

Bagay na nakagiliwan at bagong nadiskubring hilig din ng karamihan mula ng manatili ng matagal sa kani-kanilang mga bahay dahil sa pandemya.




Isa na marahil dito ang babaeng napag usapan sa social media na tinawag na 'certified' plantita ng iilan dahil sa kaniyang naging karanasan.

Ang nasabing plantita ay si Caelie Wilkes mula sa California. Marami rin itong mga alagang halaman pero may isang namumukod tanging nagbigay ng aliw sa mga netizens.

Ibinahagi nito sa publiko ang kaniyang nakakapraning na karanasan, kung saan ay mayroon siyang natuklasan sa isang halaman na kaniyang inaalagaan at dinidiligan ng halos dalawang taon.

Caelie Wilkes | Facebook

Caelie Wilkes | Facebook


Ang halamang inakala niya na isang totoong "succulent" ay isa pa lang plastik at ang inakala niyang totoong lupa na pinagtaniman ng kaniyang halaman ay styrofoam lamang pala.

Magkahalong tawa at pagkadismaya ang naramdaman nito dahil sa kakaibang pangyayari sa kaniya ng mahabang panahon.

“Love my plant baby even if they’re not real,” nasabi na lamang niya umano sa caption ng kaniyang IG post.

Caelie Wilkes | Facebook

Caelie Wilkes | Facebook


Dahil dito, isang kilalang tindahan ng halaman ang nagbigay sa kaniya ng mga totoong "succulents" ng sa ganun ay maibsan naman ang pagkadismaya ng plantita.

Basahin ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng mga netizens ukol sa kwento:

"Parang pag ibig lng yan,aalagaan mo ng matagal na panahon tapos sa bandang huli hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan"

“Sa buhay ng tao, pwede din siya ihalintulad, bandang huli wala palang tiwala sa iyo kahit ibinibigay mo na ang lahat hehehe, ‘yun pala plastic lang ang treatment sa iyo. HUGOT 101.”

“Parang yung friendship n’yo ng kaibigan mo… pinilit mong i-work out at palaguin. You end up knowing na plastic pala s’ya,"

“Wala ‘yan sa pinagkaiba sa nag-alaga ka at nagmahal ka ng taong akala mo totoo pero pina-prank ka lang pala. Chareng!”

Caelie Wilkes | Facebook



Source: balita.net.ph