Parang eksena sa pelikula, Pinoy nursing student sinagip ang kapwa pasahero sa sakay nilang eroplano - The Daily Sentry


Parang eksena sa pelikula, Pinoy nursing student sinagip ang kapwa pasahero sa sakay nilang eroplano



Screencap photos courtesy of Facebook @JamesVincentSayson


Isang Pinoy nursing student ang nagpamalas ng kabayanihan nang sagipin nito ang isang kapwa pasahero na Indiano habang sila ay sakay ng eroplano na animo ay eksena sa isang TV series.


Sa isang Facebook post na ibinahgai mismo ni James Vincent Sayson, ang nursing student mula sa St. Luke’s College of Nursing Trinity of Asia, na nagligtas sa kapwa nya pasahero sa isang flight papuntang Canada. *



Ayon kay Sayson, nakita ng flight attendant na tila walang malay ang isang pasahero at ito ay hinang hina at halos hindi na nagreresponse sa tawag ng flight attendant sa kanya.


Kahit na ito ay ginigising na ng kanyang katabi ay hindi pa rin ito makasagot ng maayos at agad ding nawawalan ng malay.


"Ginigising siya ng flight attendant. Gumigising naman siya pero parang bumabalik siya sa pagkatulog kaagad na parang hindi na normal to the point na parang hindi na nagre-respond yung passenger," pahayag ni Sayson.


Kaya naman nagtanong na ang flight attendant kung mayroon bang doktor na pasahero din sa nasabing flight ngunit walang sumasagot sa mga pasahero.  



"Inantay ko po na may mag respond bago po sa akin pero dahil po nakita ko na talagang kailangan po ng tulong ng pasahero, kahit po estudyante lang ako, may maitutulong ako, umaksyon po ako agad," ani pa ng nursing student sa panayam sa kanya ng GMA News.  *


Screencap photos courtesy of Facebook @JamesVincentSayson


Kaya naman kahit na kinakabahan si Sayson dahil sya ay isang estudyante pa lamang, di naman siya nag-atubiling sumaklolo sa nasabing pasahero na nangangailan ng tulong sa mga oras na iyon dahil alam nya na maaring may malaking pinsalang maidulot ito sa nasabing pasahero.


Agad inassess ni Sayson ang kondisyon ng indiano at napag-alaman na hypo glycemic ito, mababa na ang kanyang blood sugar magind ang kanyang heart rate.


Humingi naman ng tulong ang nursing student sa flight attendant na bigyan ng softdrinks, juices at iba pang makakain ang nasabing pasahero upang tumaas ang blood sugar nito at manumbalik muli ang lakas.  



"Nalaman po namin na hypoglycemic po siya. In-instruct ko po 'yung flight attendant na bigyan siya ng candy, soda, and ng juice para ma-increase 'yung blood sugar level niya," dagdag pa nito.


Kanya naman binantayan ng nursing student ng blood pressure at iba pang vital signs ng indianong pasahero sa hanggang sila ay makalapag na sa Canada na kanialng destinasyon. *


Screencap photos courtesy of Facebook @JamesVincentSayson



Nagviral ang ginawang kabayanihan na ito ni Sayson at pinapurihan sya ng netizens dahil sa kanyang malaskit at pagtugon sa tawag ng pangangailangan.


Nais nyang magbigay inspirasyon lalo na sa mga kapwa nya estudyante sa larangan ng medisina at lalo pang paghusayin ang kanilang pag-aaral kahit na sa kabila ng pandemya.



Natutuwa sya dahil kahit na estudyante pa lang sya ay napakalaking bagay na ang kanyang nagawa at nakapag-salba sya ng buhay ng kanyang kapwa.  


Nais nyang iparating sa kanyang kapwa mag-aaral na kahit ano pa man ang propesyon na napinili, lagi nating isapuso ang tawag ng tungkulin na makatulong sa sinumang nangangailangan.


"Dapat pahalagahan pa rin nila 'yung pinag-aaralan nila kasi at any point in time, baka maging important po siya, at give it your best, yun lang masasabi ko."  ani pa ng binata. *



Screencap photos courtesy of Facebook @JamesVincentSayson