Ang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay isa sa pinakamahirap na trabaho. Ang malayo sa ating pamilya ay talaga namang nakakalungkot at minsan ay nagiging dahilan ng stress at depresyon.
Bukod sa pangungulila sa ating pamilya, mayroon din mga OFW’s na nakakaranas ng pagmamalupit at karahasan mula sa kanilang mga amo. Kaya naman napakaswerte ng isang OFW na mayroong mabait na amo.
Katulad na lamang ng amo ng isang OFW sa bansang Malaysia na si Valleryn Caranza Landong.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Valleryn ang screenshot ng pag-uusap nila ng kanyang babaeng amo. Maraming netizens ang natuwa at naaliw ng makita at mabasa nila ito.
Mababasa ang pag-uusap ni Valleryn at ng kanyang amo gamit ang lenggwaheng ingles. Nakakatuwa ito dahil kahit mali ang mga spelling o ‘barok’ ang usapan nila ay nagkakaintindihan ang mag-amo.
Narito naman ang naging pag-uusap ng dalawa:
"Employer: Sandra I out tomolo you cook sir the brief in the frid fly veges and rice you can fly the rice put egg
Valleryn: Okie maam I dont cook you... I just cook sir?
Employer: Yes just cook sir and please fly the fish sir many eat if you cooking
Valleryn: Okie maam
Employer: Thank you"
Ayon sa pagkakaintindi namin, ang nais ipagawa ng amo ni Valleryn ay magluto ito ng beef at magprito ng gulay, kanin at itlog. Gusto ring sabihin ng kanyang amo na hindi ito makakauwi kaya ang amo nitong lalaki na lamang ang kanyang ipagluto.
Aniya, magprito rin daw ng isda si Valleryn dahil marami raw ang nakakakin ng kanyang among lalaki kapag siya ang nagluluto.
Noong 2019 pa unang nag-viral ang post ni Valleryn ngunit hanggang ngayon ay naaaliw pa rin ang mga netizens sa tuwing mababasa nila ito.
Nagpahayag naman ng kani-kanilang opinyon ang mga netizens:
"Commonsense lng nman kasi kelangan sa kanila... Di naman po kelangan pag tawanan mga AMO na ganyan ksi marami sa kanila hndi magaling sa english pero atleast maiintindihan mo nman kung may commonsense ka," sabi ni EJ Arroyo.
"Hala sorry po sa reaksyon ko pero medyo natawa ako sa totoo lang kase naisip ko paano kapag ako yung kinausap ng ganyan baka maloka ako at maiyak nalang kase diko magets. hehe sorry. Saludo ako sa mga matyaga at masipag nating OFW," sabi ni Maria Delmar De Vera.
"Maintindihan nman yung chat n madam.. Hindi madali umintindi ng salita Nila o chat Nila kc di sila gnun kagaling lahat sa English..Kaya bahala kna umintindi," sabi ni Arym Luis.
"Ung katulong hindi rin mrunong mag english...nako pareho kau.dati saudi ako...hindi sila mrunong mag english..pero ung arabic at sign nila iniintindi ko...mga 1 month ako mrunong na ako.sa salita nila. kaya daming pinoy na ginabogbog ng amo..dhl ung iba mahirap mkaintindi sa utos nila..iba ang inuotus ng amo. iba rin ang ginawa ng katulong kaya bogbog a berna ka tlaga ni amo," sabi naman ni KD Salinas.
***
Source: Facebook