Babae isinugod sa ospital dahil sa sobrang pagkain ng maaanghang at pag-inom ng milk tea - The Daily Sentry


Babae isinugod sa ospital dahil sa sobrang pagkain ng maaanghang at pag-inom ng milk tea



May mga napabalita ng isinugod sa ospital dahil sa sobrang pag-inom ng milk tea o sobrang pagkain ng maaanghang na pagkain. Subalit marami pa rin ang hindi naniniwala at patuloy ang pang aabuso sa kanilang katawan.
Jeff Nortez Serrano / Photo credit to her Facebook account

Samantala, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan matapos siyang dalhin sa ospital dahil sa sobrang pag-inom ng milk tea at pagkain ng maaanghang na pagkain.

Sa Facebook post ni Jeff Nortez Serrano, sinabi nitong mahilig siyang uminom ng milk tea at lagi siyang gumagamit ng chilli sauce o chili oil tuwing kumakain siya.

Every single day of my life hindi ako makaka-kain ng meal without “chili sauce” “chili oil” basta kailangan may spicy akong nalalasahan sa pagkain ko,” sabi ni Serrano.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Kwento niya, isang gabi raw ay bigla nalang sumama ang kanyang pakiramdam. Sinubukan niyang ipahinga ito dahil baka pagod lamang siya ngunit hindi parin naging maayos ang pakiramdam niya. Uminom na rin siya ng gamot.

nag take ako ng med para ma-lessen yung hilo ko pero walang nangyari so pahinga lang ulit ako,” sabi ni Serrano.

Sumakit na rin ang kanyang tiyan kaya dinala na siya sa ospital. 

Doon napag-alaman ni Serrano na dahil sa sobrang pag-inom ng milktea at pagkain ng spicy food ang naging sanhi ng kanyang naramdamang sakit.
Photo credit: Jeff Nortez Serrano
Photo credit: Jeff Nortez Serrano

Nakalabas rin agad ng ospital ang netizen ngunit kinailangan siyang turukan ng injections upang mawala ang sakit na nararamdaman. 

Thank God, nakita agad sa check up ko before pa dumating sa point na magasgas na sikmura ko. Ngayon, maraming bawal pero mas ok na yon kaysa maulit pa ‘to,” sabi ni Serrano.

Sa huli ay nagbigay ng paalala si Serrano sa mga kapwa niya netizens.

Please! Ingatan niyo sarili niyo. Hindi lahat ng masarap pwede sa katawan natin.. #HealthisWealth.

Narito ang buong post ng netizen:

“So here’s the story,

Sunday afternoon nag milktea ako and every single day of my life hindi ako makaka-kain ng meal without “chili sauce” “chili oil” basta kailangan may spicy akong nalalasahan sa pagkain ko. Then Sunday night, masama na pakiramdam ko pero I ignored it kasi baka pagod lang ako from work. Then Monday morning, mataas na lagnat ko so pag uwi ko ng house, nag take ako ng med para ma-lessen yung hilo ko pero walang nangyari so pahinga lang ulit ako. That night bigla nalang sumakit yung stomach ko (upper middle) pataas sa dibdib ko and hirap na ako huminga. Namumutla na ako ang puro pain na lang talaga naffeel ko. At first, akala ko hina-heartburn lang ako pero hindi ko na kinakaya. So sinugod agad ako sa Marikina Valley and deretso ER ako, then dun ko nalaman na ang nagpag-triggered pala sakin is too much milktea and spicy foods. First time kong ma-ER, and ayaw ko ng maulit yun. Hindi kinaya ng katawan ko ang oral med so I had no choice puro injects ang inabot ko para lang mawala yung pain na nararamdaman ko during that night. Nakalabas ako ng hospital around 4:30AM and groggy pa rin ako hanggang sa makauwi ako. Ang hirap kasi everytime na kakain ako hirap na yung tummy ko kasi parang nabbigla na siya. Thank God, nakita agad sa check up ko before pa dumating sa point na magasgas na sikmura ko. Ngayon, maraming bawal pero mas ok na yon kaysa maulit pa ‘to. 

Please! Ingatan niyo sarili niyo. Hindi lahat ng masarap pwede sa katawan natin.. #HealthisWealth"



***