Photos courtesy of Facebook @Mommy Love |
Ang ating mga ama ay ang sinasabing
haligi ng tahanan, Sila yung tao na masasabi mong maasahan, handang magsakripisyo
para sa kanyang pamilya. Siya ay walang sawang naghahanap-buhay upang maibigay ang mga pangangailangan
ng kanyang mga mahal sa buhay.
Sila yung hindi mo mariringgan
ng reklamo sa kabila ng hirap na kanilang sinusuong sa araw araw ng kanilang paghahanap-buhay. Simbolo din ng katatagan at lakas ng loob. *
Madalas din na sila ang ating mga iniidolo at nagsisilbing inspirasyon habang tayo ay mga maliliit pa lamang at nagsisimula pa lamang tahakin ang mga landas patungo sa ating kinabukasan.
Pero ang hindi natin alam, kahit
ang ating mga ama ay nakakaramdam din ng pagod, pagkadismaya at kung minsan ay pinanghihinaan din ng kalooban.
Sa isang post ng isang netizen/blogger
na si Mommy Love, na siya ding pangalan ng kanyang Facebook page, ibinahagi nya
ang kanyang saloobin hinggil sa maaring nararamdaman ng mga haligi ng tahanan kabilang
na dito ang kanyang mister.
Paliwanag ni Mommy Love, nais nyang
iparating ang kamyang mensahe sa mga netizens na madalas nating nakakalimutan ang mga
damdamin ng ating mga mister at madalas ay palagi lang ang ating mga
nararamdaman at mga hinaing ang ating mga iniintindi na kung tutuusin ang ating
mga mister o kabiyak din ay higit na nakakaramdam ng panghihinna, pagod at pagkadismaya. *
Photos courtesy of Airasia and Google |
Ayon sa post ni Mommy Love, “Sad but true, guilty ako
dito. Na minsan or madalas pa nga puro yung feelings ko lang ang iniintindi ko.
Pag uwi nya ng work, hindi na nakakamusta, minsan sasama pa loob ko pag di ako
natulungan sa gawaing bahay.”
Sinabi din ni Mommy Love na sila
ang higit na nakakasagap ng iba’t ibang klase ng stress na dulot ng pakikisalamuha
sa iba;t ibang klase ng tao sa kanilang mga trabaho. Nariyan yung pagsusungitan
sila, aalipustahin, at iba;t iba pang bagay na nakakpagbigay ng totoong stress.
“Alam nyo ba na sa trabaho
iba’t-ibang tao sa loob ng isang araw ang pwedeng makasalamuha ng mga mister
natin. Pwedeng mabait, masungit, mataray o galit. Minsan makaka-experience pa
sila ng mga customer na para bang bibilhin na ang buong buhay nila.” paliwanag pa ng netizen at uploader. *
Photo courtesy of ABS-CBN |
Dagdag pa ni Mommy Love, madalas
pa nga raw ay nagiging makasarili tayong mga misis at sarili lamang natin ang ating
iniisip.
“Madalas tayo nagsasabi na,
ilabas mo naman ako, treat mo naman ako, lambingin mo naman ako pero
nakakalimutan natin sila. Madalas hindi pa kakain sa trabaho para makatipid.” Sabi
pa nito.
Pero ang hindi natin alam ay silang
mga haligi ng ating tahanan, ama ng ating mga anak ay todo sakripisyo at pag-titiis
ang ginagawa nila sa kanilang sarili para may maibigay sa kanilang mga mahal sa
buhay na naghihintay at umaasa sa kanila tuwing sila ay uuwi ng bahay.
“They’re trying their best for
us lalo na ngayong pandemic. Kung stress tayo sa budget and all, mas lalo na
sila. Nadedepress din ang mga lalake, tanungin din natin sila kung kamusta na
sila, let’s motivate them, kung kulang ang sahod, let’s find way para
matulungan sila instead na ipamukha sa kanila na wala silang kwenta at
bungangaan.” Dagdag pa ng Momshie blogger.
*
Photo courtesy of Alecs Ongcal @VICE |
Sa bandang huli, nais iparating
ni Mommy Love sa mga kapwa nya mommies na pahalagahan at mahalin natin ang
ating mga kabiyak, dahil sila rin ay nakakaramdam ng pagod at panghihina ng
kalooban gaya nating mga misis. Atin ding intindihin ang kanilang mga pangangailangan
at bigyan ng importansya upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon.
“Daddy is tired, exhausted,
stressed and depressed but he’s fighting. Pahalagahan natin ang mga asawa
natin. Tao din sila napapagod, iwasan ang toxic relationship wherein lagi ka na
lang galit. Bigyan pahinga din natin ang mga asawa natin, tayo dapat ang
pahinga nila pag dating sa bahay.
A happy wife and husband =
happy kids. Let’s be mindful na kailangan din ng mga anak natin ng masayang magulang.”
Ani pa ni Mommy Love sa kanyang mensahe.
*
Photo courtesy of GMA News |