Nakakabighani ngunit lubhang mapanganib, Ano nga ba ang "Square waves" at bakit dapat lumayo dito - The Daily Sentry


Nakakabighani ngunit lubhang mapanganib, Ano nga ba ang "Square waves" at bakit dapat lumayo dito



 

Photos courtesy of Wikipedia and Youtube


Mayroon palang isang klase ng alon na makikita sa karagatan, na kung tawagin ay cross sea o Square waves sa karamihan. Madalas itong makikita malapit sa dalampasigan na may hugis parisukat na alon na nakakamanghang pagmasdan.


Madalas natin itong makita sa mga science programs o articles at talaga namang nakakamangha itong panoorin.  *



Ngunit kung sa inaakala natin na nakakabilib ang pangyayaring ito, huwag na nating naisin pang makakita nito sa tunay na buhay dahil sa peligrong dala nito.


Alam nyo na sa kabila ng nakakabilib na straktura ng alon na ito sa karagatan ay may dala pala itong panganib sa sino mang maaabutan nito.


Delikado pala ang sinasabing square waves o cross sea na ito. Ayon sa paliwanag ng mga eksperto ukol sa square waves, ito ay ang mga alon na hugis parisukat na kilala rin sa tawag na ‘cross sea’.


Ayon sa mga eksperto, ang square waves ay nagiging sanhi ng pagsasalubong ng dalawang magkasalungat na direksyon ng dalawang magkaibang karagatan na kung saan ay nagsasalpukan ang mga alon sa magkaibang direksyon na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hugis parisukat na umaabot hanggang sa baybayin ng dagat.



Maari ding maging  senyales o sanhi ng pamumuo ng mga bagyo ang square waves sa tuwing makikita ito malapit sa mga karagatan. *


Photo courtesy of Wikipedia


Ang sino mang maabutan ng square waves na ito ay delikado lalo na kung ikaw ay malapit sa baybayin. Kaya naman sinasabing kapag nakakita ka na nito ay agad na lumikas at lumayo sa along parisukat.


Bakit nga ba mapanganib ang square waves? Dagdag pa ng mga eksperto, ang along parisukat na ito ay nagtataglay ng matataas na current o ang agos ng tubig mula sa dagat kung saan ay maaring tangayin ang sinuman, maging ang mga sasakyang pandagat at higit sa lahat ay ang mga tao.


Maging mga malalaking barko ay kayang-kaya palubugin ng mapanganib na square waves kahit pa ito ay gawa sa matitibay at mabibigat na bakal. 



Dagdag pa nito, sa oras na ang isang tao ay matangay ng square waves ay siguradong  mahihirapan na itong makaalis at makalayo rito dahil ito ay tatangayin na papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat. *


Photo courtesy of Youtube


Kaya naman nawa'y magsilbing babala ito sa sinoman na malapit sa baybayin o di kaya sa mga mahilig lumangoy sa dagat. Maging alerto sa mga square waves upang maiwasan ang anumang sakuna dahil sa malalakas na alon na tatangay sayo papalayo at maari mong ikalunod.


Bukod pa dito, ang square waves ay nakakabuo din ng tinatawag na "Riptides" kung saan ay nabubuo ang malalakas at malalaking alon at nagdudulot ng malalakas na pag agos o current na maaaring tangayin papalayo sa baybayin ang sino mang mata-trap dito.



Marami-rami na rin ang napapa-ulat na nasawi dahil sa pagkalunod bunsod ng pagkakatangay ng mga ito dahil sa square waves.


Marami naring naiulat na mga bangka at barko na nawawala at lalo na ang mga mangingisda na higit na nabibiktima ng mapanganib na square waves. Kaya sana ay magsilbing paalala at babala ito patungkol sa square waves. *


Photo courtesy of Social News Daily