Mag-Amang inipon lahat ng padala ng asawang OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakapundar ng sasakyan - The Daily Sentry


Mag-Amang inipon lahat ng padala ng asawang OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakapundar ng sasakyan





Damang-dama man nila, lahat ng mga OFW ang araw-araw na kapaguran sa trabaho at ang pangungulila sa piling ng pamilya ngunit, para sa ikabubuti ng pamumuhay ng mga naiwang mahal sa buhay at para kinabukasan ng mga anak lahat ng kalungkutan at paghihirap ay handa at kaya nilang tiisin. 


Tiyak na pawi lahat ng taon-taong pagsasakripisyo ng isang Ina na OFW mula Kuwait na si Rodelyn Fortes, nang malaman niyang walang sinayang ang kanyang buong pamilya sa lahat ng mga perang kanyang pinagpapaguran at ipinapadala sa Pinas.



Binigyang halaga ng mag-amang si Rogelio Fortes mula Agoo La Union ang bawat perang ihinuhulog ng kanyang asawa mula abroad. 




Nag-umpisa lamang sila sa barya-barya hanggang sa paunti-unti ay naitatabi nila ang malaking parte ng padalang pera ni misis sa kanila. Umabot sa balde-baldeng mga papel na pera at mga barya ang kanilang naipon na umabot higit P300,000.00 


"Ang ginawa ko para makatulong ako sa awasa ko, talagang nagpursige akong mag-ipon, lahat ng kada padala ng misis ko. Imbes na bawasan ko, dinagdagan ko pa," saad ni Rogelio 


"Masaya po ako, dahil nakapag-ipon po ako," dagdag ng bunsong anak nila Rodelyn 




Walang kamalay-malay sa lahat si Rodelyn, hanggat nagulat nalang siya nang pag-uwi niya ay lubos siyang nasorpresa ng madatnan na nagawa na ang kanilang bahay, at nakabili narin sila ng sidecar at motorsiklo dahil lamang sa naipong pera ng kanyang mga anak at asawa. 


"Hindi ko alam at nung dumating na po ako dito, buo na ang buhay sementado na. Tsaka di ko lubos maisip na ganon yung maiipon nila kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait  at sa Malaysia," saad niya


Ipinagmalaki naman ng mag-asawa ang kanilang mga anak dahil natututo rin sila pahalagahan ang mga itinuro nila at kung gaano ka importante ang may ipon. 


"Magtipid po. Tsaka yung mga hindi naman kailangang bilhin, di po bibilhin," salaysay ng kanyang panganay na anak. 





Marami sa mga netizen ang pumuri sa mag-ama sa kanilang pagiging masinop sa pera at hindi nila sinayang ang bawat padala ng misis na nagtatrabaho banyagang bansa.


"Saludo ako sa inyo kuya at sa mga anak minulat mo sila sa pag iipon habang bata pa at hindi basta magastos o luho hindi mabisyo at pangpamilya talaga ang uunahin,,,,at alam sinupin ang pinaghihirapang pera proud si nanay sana all," komento ng isang netizen na natuwa sa kagalingang mag-ipon ng pamilya 


***

Source: GMA News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!