Jimmy Santos, dumayo ng Pampanga para bisitahin ang mga katutubo at pasukin ang pag gawa ng uling. - The Daily Sentry


Jimmy Santos, dumayo ng Pampanga para bisitahin ang mga katutubo at pasukin ang pag gawa ng uling.



Isa si Jimmy Santos sa mga kinagigiliwang artista sa larangan ng komedya. Noon pa man ay tumatak na sa mga manonood ang kaniyang natatanging tawa at hagikhik kasabay ang pagkunot ng maasim niyang mukha.

Simula pa noong 1977 ay nagbibigay na ng ngiti sa labi ng mga Pinoy si Jimmy Santos. Tuwing tanghali ay nakikita at napapanood din siya noon sa longest running TV show na 'Eat Bulaga.




Ngunit dahil sa hindi na ito madalas makita sa telebisyon, marami ang nagtatanong kung kumusta at nasaan na nga kaya si "Wooly Booly"?

Lingid sa kaalaman ng iilan ay pinasok na rin ni Mang Jimmy ang mundo ng pag ba-vlog.

Dahil sa taglay na kabutihang loob at charisma, halos kalahating milyon o 427k thousand lang naman ang sumusubaybay sa kaniyang YouTube channel na "Jimmy Saints"

Jimmy Saints | YouTube

Jimmy Saints | YouTube


Isa nga sa mga ibinahagi nitong kwento ang pag gawa ng uling ng mga katutubo nating Aeta sa Barangay Sapang Bato sa Angeles City, Pampanga.

Walang pag aatubili na tinunton at inakyat ni "Bondying" ang lugar kung saan ginagawa ng mga katutubo ang uling na isa sa kanilang mga ikinabubuhay.

Gamit ang pinutol putol na kahoy, sisindihan nila ito gamit ang tsinelas na plastik at tatakpan ng yero.

Jimmy Saints | YouTube

Jimmy Saints | YouTube


Sinubukan rin nitong tumulong sa pag gawa at bumuhat ng sako sakong uling habang inaaliw at kinakantahan ang kaniyang mga nakasama.

Marami ang humanga sa dedikasyon ni Jimmy Santos sa pagbibigay aliw sa mga manunuod na Pilipino. Dahil sa edad na 70-anyos ay sumabay ito sa modernong paraan upang makapaghatid ng mga nakatutuwang kwento at makabuluhang mga impormasyon.

Panoorin sa ibaba ang kabuuang bidyo:




Jimmy Saints | YouTube