Isang may-ari ng sakahan, inilibre at ipinaranas sa kaniyang mga tauhan ang makakain sa Jollibee! - The Daily Sentry


Isang may-ari ng sakahan, inilibre at ipinaranas sa kaniyang mga tauhan ang makakain sa Jollibee!



Isang farm owner ang nagbahagi ng kwento sa kaniyang Facebook account kung saan ay nakikitang masayang nagsasalo salo ang isang grupo ng mga magsasaka habang kumakain sa sikat na fast-food chain na Jollibee.

Handog umano ito ng may-ari ng sakahan na si Josue Carmen Jr. sa kaniyang mga masisipag na trabahador.




Ito raw ang kauna unahang pagkakataon na makakain sa isang fast-food restaurant ang kaniyang mga tauhan na napag alamang mga indigenous people na miyembro ng T'boli tribe sa Lake Sebu.

Si Josue at ang kaniyang mga kasamahang magsasaka sa Surallah, South Cotabato ay nagkaroon ng masaganang ani kaya naman naisipan niyang ilibre at yayaing kumain sa labas ang mga ito.

Aabot sa P100,000 daang libong piso ang halaga ng Carolina Reaper ang kanilang naani.

Josue Carmen Jr. | Facebook

Josue Carmen Jr. | Facebook


Ang Carolina Reaper Pepper ang kinikilalang pinakamaanghang na sili sa buong mundo. Ang halaga nito sa merkado ng Pilipinas ay nasa halagang P1,600 libong piso ng kada kilo.

Ayon sa Facebook post ni Josue:

Sabi ko, "Maganda ang ani at benta natin ngayong week, treat ko kayo."

Nagtanong ako, "nakakain na ba kayo sa Jolibee?" Sagot nila, "hindi pa daw, first time daw nila."

Josue Carmen Jr. | Facebook

Josue Carmen Jr. | Facebook


Kinilala na rin daw at nakatanggap na ng parangal si Josue mula sa Kabataang Agribiz Program ng Department of Agriculture nito lamang Agosto dahil sa husay nito sa larangan ng agrikultura.

Dagdag pa nito na hindi lamang ang kanilang mga pananim ang kaniyang pinahahalagahan kundi pati na rin ang kaniyang mga tauhan.

"As we provide good products, we also make sure that we put our farmers first, give them good credits and let them enjoy what they do" saad ni Josue.

Josue Carmen Jr. | Facebook

Josue Carmen Jr. | Facebook