Isang mamahaling crystal, natagpuan sa ilalim ng puno ng Balete sa Antique! - The Daily Sentry


Isang mamahaling crystal, natagpuan sa ilalim ng puno ng Balete sa Antique!



Isang mamahaling klase ng bato na kung tawagin ay amethyst ang natagpuan sa lugar ng Barbaza Antique.

Kilala rin sa tawag na "the all purpose stone" ang Amethyst daw ay isang uri ng bato na nakakatulong maibsan ang stress at pagiging balisa. Pati na rin ang mga sintomas na dulot nito gaya ng pananakit ng ulot at pananakit ng katawan.




Ayon sa Gem expert na si Engineer Jonathan G. De Gracia, ang Amethyst ay isang mataas na uri ng quartz na natatagpuan lang sa mga bansang Brazil, Siberia, Sri Lanka, Uruguay at ilang malalayong bansa sa silangan.

Ngunit ayon naman sa asawa ng nakakita nito na si Garry Pagsuguiron, natagpuan daw ng kaniyang misis ang bato sa ilalim ng puno ng Balete sa tabi ng dalawang malaking palaka na nagmimistulang bantay nito.

Flord Nicson J. Calawag | Facebook

Flord Nicson J. Calawag | Facebook


Pinagtulungan daw umano ng mag asawa na hukayin ang kristal na nakadikit sa isa pang mas malaking bato kung saan kinakailangan ng pinagtulungang pwersa nila, bago tuluyang makuha ang mamahaling bato.

Matapos suriin ay kinumpirma naman ng ekspertong si Engr. Jonathan De Gracia na ang kumikinang na lilang bato ay isang Amethyst.

Ilang netizens naman ang umalma at sinasabing hindi na ganun kataas ang halaga ng nasabing bato.

Flord Nicson J. Calawag | Facebook

Flord Nicson J. Calawag | Facebook


Narito ang ilan sa mga nag komento sa Facebook post na ibinahagi rin ng Radyo Todo Aklan:

"Hindi na mahal ngayon ang amethyst, nakadepende nalang ang kanyang price sa lugar na pinanggalingan niya at ang purity ng bato" - Aseret Iguban

"amethyst, not rare. 700 peso per kilo approx. I have seen a lot of those here that are displayed in the garden as decoration or on the table" - Philiza Victoria