Hindi lubos akalain na biglang magiging milyonarya ang isang dating tindera ng asin at kasambahay sa Hong Kong matapos suklian ng kanyang amo ang kabaitan at pagmamalasakit nito sa kaniya.
Sa istoryang ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) sa Facebook, itinampok ang magandang kapalaran ni Daisy Bucad-Eng, na taga-Mountain Province.
Kwento ni Daisy, 16-anyos pa lamang siya noon nang siya'y makapag asawa at magdalang tao. Nagtinda siya ng asin ngunit hindi ito naging sapat kaya tulad ng kaniyang mga kapitbahay, sumubok ito na magtrabaho sa ibang bansa at maging domestic helper.
Tulad ng karamihan, hindi pinalad at naging mapait ang karanasan ni Daisy sa kaniyang mga naunang amo sa Hong Kong.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Hanggang sa mag krus ang landas nila ng kaniyang among Portugese na isa ring senior citizen.
Nasa 900 HK dollar o katumbas ng P2,700 bawat buwan lamang daw ang sinasahod ni Daisy sa paninilbihan sa kaniyang amo na si Madam Marie. May kababaan man ay hindi ito naging problema sa kaniya dahil sa sobrang bait at itinuring na siyang parte ng pamilya ng kaniyang Madam.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Katunayan, sumama at nanirahan pa raw si Marie kasama si Daisy sa Pilipinas dahil ayaw nitong magpaiwan sa home for the aged sa Hong Kong.
Dahil sa magandang relasyon ng mag amo, naging masaya ang pamamalagi ni Marie sa tahanan ni Daisy at ipinapasyal pa nito ang kaniyang amo sa mga magaganda at mga relihiyosong lugar.
Noong 2002 ay tuluyan ng namaalam si Madam Marie dahil sa isang malubhang sakit.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Sadyang ikinalungkot ito ng kaniyang kasambahay na itinuring niyang kaibigan at kadugo na nagsilibi sa kaniya ng labing isang taon.
Dahil sa tapat na serbisyo ay isinama ni Marie si Dasiy sa listahan ng kaniyang mga pamamanahan.
Kaya laking gulat na lang nito nang may dumating na liham sa kaniya na magpapabago ng kanyang kapalaran.
"Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon."
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Naisip daw niya noon, "Totoo ba to?’ Parang may katotohanan na nga ito."
Ang mga naipama sa kaniya ni Marie ay isang apartment na nagkakahalaga ng 26 milyong piso, mga stocks sa iba't ibang kumpanya at mga dolyares na umaabot sa tumataginting na 25 milyong piso.
Sa sobrang pagmamahal at bilang utang na loob ni Daisy kay Marie, binigyan niya ito ng sariling espasyo sa kaniyang tahanan. Upang magsilbing alaala ng kaniyang yumaong kaibigan.
Sa huli ay may mensahe si Daisy sa mga kagaya niyang OFW.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook