Isang ginang, sunod-sunod na nawalan ng mga mahal sa buhay. Nalugmok na sa bayarin naputulan pa ng kuryente! - The Daily Sentry


Isang ginang, sunod-sunod na nawalan ng mga mahal sa buhay. Nalugmok na sa bayarin naputulan pa ng kuryente!



Isang Facebook post ng nagngangalang Jose Pedrosa ang pumukaw sa damdamin ng iilang mga netizens. Tila maiiuugnay kasi ito sa kasalukuyang dinadanas ng bawat Pilipino, ukol sa suliranin sa ating mga bayarin.

Higit sa suliraning ito ay mayroong pang iilan na halos hindi pa man din natatapos sa pagdadalamhati ay sasabayan pa ng pagkakaputol ng kuryente.




Kilalanin si Nanay Bebe,

Ang kanyang 2 taong gulang pa lang na apo ay dinapuan ng sakit na Pneumonia at kalaunan ay tuluyan na itong binawian ng buhay.

Ito ay naganap noong nakaraang taon, kasunod lamang ng pagkakamatay ng kaniyang asawa dulot ng stroke. Ang edad ng namayapang asawa ni Nanay Bebe ay 63-anyos.

Matapos ang ilang buwan, sumunod naman sumakabilang buhay sa edad na 28 at 25 ang dalawang anak na babae ng ginang dulot din ng sakit na stroke at kahirapan o problema sa paghinga.

Kahit sino ay tiyak na magdadaan sa matinding pagkalumok matapos ang lahat ng ito, ngunit si Nanay Bebe ay nagpatuloy sa buhay.

Sinubukan niyang magtinda ng mga gulay sa NHA area sa kahabaan ng Eliptical Road. Pero dahil sa pandemya at katandaan, huminto sa pagtitinda si Nanay Bebe.

Imahe mula Jose Pedrosa | Facebook

Nasabi sa Facebook post na noong nakaraang January 12 ay pinutulan ng kuryente ang ginang, ito ay sa kabila ng kaniyang apela sa mga tauhan ng Meralco.

Ang kanilang kabuuang singil sa kuryente para sa buwan ng Marso hanggang Disyembre ay umabot sa halagang P43,000 libong piso.

Kinabukasan ay nagtungo sa tanggapan ng Meralco ang kaniyang isa pang anak na babae upang makiusap at makipag negosasyon para maibalik ang kanilang kuryente sa halang P10,000 libong piso. Ang bayad na ito ay nasabing tatanggapin ng higanteng kumpanya ngunit hindi parin ito sasapat para maibalik ang kanilang kuryente.

Sinikap nilang makipag ayos muli sa halagang P15,000 libong piso ngunit hindi parin ito napahintulutan.

Sinubukan pa nilang taasan ito hanggang P18,000 libong piso pero hindi parin ito pinayagan ng Meralco. Tila hanggang dito na lang talaga ang nakayanan ng mga pobre kaya't minabuti na lang nila na hindi ito bayaran kaysa mapunta lamang sa wala.

Imahe mula Jose Pedrosa | Facebook

Sa ngayon, ang kaniyang mga apo ay tumigil na rin sa pag aaral dulot ng dilim at kakulangan sa sapat na liwanag. Ang kanilang mumunting tirahan ay nakapagitna sa kalooban ng dikit-dikit na tahanan sa kahabaan ng Kalayaan Avenue.

Tuwing gabi ay hirap sa pagtulog si Nanay Bebe. Ito ay hindi dahil sa init dulot ng kawalan ng kuryente ngunit sa takot na baka ang kanilang mga kandila na nagsisilbing liwanag sa kailaliman ng gabi, ay magdulot o pagmulan ng sunog sa kanilang lugar.

Ayon kay Nanay Bebe, patuloy silang magtitipid at magtatabi ng paunti unti para mabayaran ang kanilang utang sa Meralco.

Napakabigat sa kalooban na makatuklas ng ganitong mga kaganapan. Maswerte pa tayo kung tutuusin at tiyak na pinagpapala kung tayo ay masigla at hindi dinadapuan ng sakit.