Screecap photos from GMA News 24 Oras |
Dahil sa isang viral video ay
biglang nagbago ang takbo ng buhay ng isang binatilyong palaboy na nagra-rap
para maka panglimos ng kaunting bariya sa mga pasahero sa loob ng jeep.
Kung iyong mapapakinggan ang
pagra-rap ng binatilyo ay akmang akma sa kanya ang kanta, na kung aakalain mo
ay sya mismo ang may akda nito dahil
ramdam mo ang pagkaka-relate ng binatilyo sa nasabing kanta. *
Ayon sa netizen at uploader na si
Jomar Dungo, nakasabay nya ang binatilyo na sumakay ng jeep at di nagtagal at
ay agad itong nag-rap.
Halos tumayo ang kanyang mga
balahibo ng marinig nya itong nagrarap, dahil tagos sa puso ang mga liriko
ng kanta na eksaktong naglalarawan ng kahirapang nararanasan nito sa murang
edad pa lamang.
“Yung mga words na kinakanta nya,
ay parang nagrereflect sa murang edad nya is, namulat sya sa kahirapan sa buhay.”
Paliwanag ng netizen at uploader ng video na si Jomar.
Ayon pa kay Jomar, noong Disyembre
pa ng nakaraang taon umano nya ito nakuhaan ng video. Ngunit dahil sa hindi nya
makakalimutan ang tagpong ito kaya in-upload nyang muli ang video sa social
media na ngayon nga ay nagviral ito at halos umabot na sa 2.2M views ang
nasabing video. *
Screecap photos from GMA News 24 Oras |
“Nung sumakay po ako nun jeep,
kasabay ko po yung bata, tapos bigla po syang kumanta, nakakaano move po kasi
yung kanta nya, bawat bitiw nya ng kanta nya is, parang nakakadala. Kaya binidyuhan
ko po sya.” Ani pa ni Jomar sa panayam sa kanya ng 24 Oras, GMA News.
Maging ang artist at composer ng
nasabing rap na si Symon Ortiz Bambao ng MP Harmony ay napabilib sa likas na talento ng bata.
Sa katunayan, isasama nila ang
batang rapper sa kanilang susunod na album at mga live shows at bilang
pasasalamat na din dahil sumikat ang kantang ito dahil sa viral video ng bata.
Ani Bambao, noong 2014 pa daw ito
lumabas sa publiko ngunit hindi naman daw ito gaano sumikat. Pero laking gulat nila
at ngayon lang nagtrending at nakilala ang kantang ito. Matagal tagal na ding
hindi gumagawa ng kanta ang kanilang grupo. *
Screecap photos from GMA News 24 Oras |
Kaya naman nabuhayan sila ng loob
dahil sa trending video ng batang rapper pero ang problema ay hindi pa alam ang
pagkakalinlan ng batang palaboy at kung saan ito namamalagi.
“Sana ma-meet ka namin soon, at makapaggawa tayo ng maraming projects. Marami pa kaming plano para sayo, kaming
magkaka-grupo. Tsaka lubos kaming nagpapasalamat sayo dahil kung hindi rin dahil
sayo hindi makikilala ng ganun ka-tindi yung kanta, maraming salamat!” dagdag
pa ni Bambao ng MP Harmony.
At matapos mapanood ang viral
video ng batang rapper na nanlilimos sa mga jeep, napag-alaman na nangangalakal
ito sa Dasmariñas, Cavite.
Ayon sa balita, ang batang rapper
ay isang 18 anyos na binatilyo na pala at kinilalang si Prince John Candelaria.
Base pa sa balita, masalimuot pala ang kwento ng buhay ni Prince John kaya naman
tagos sa puso ang pagra-rap nya sa nasabing kanta. *
Screecap photos from GMA News 24 Oras |
Kwento ni Prince john, bata pa
lamang sya ay hindi na nya nakilala ang tatay nya at nanay naman nya ay hindi
sya inalagaan. Tanging ang lola lang nya ang nag-alaga sa kanya.
Sabi pa ng binatilyo, hindi nya
inakala na kinukunan pala sya ng video habang nagrarap sa jeep. Kaya laking
gulat at napakasaya nya ng mabalitaan nyang nagviral pala ito sa social media.
“Yung kanta po kasi na yun eh,
parang nangyari na rin po sa buhay ko kasi nangangalakal din po ako noong bata
ako, kumakain din po ako sa mga natitirang pagkain sa basurahan, naranasan ko
din pong magutom, wala ring matuluyan, sa kalsada lang din po ako natutulog dati.”
Kwento ni Prince John.
At gaya ng ipinangako ng MP Harmony
sa binatilyo, isasama na sya sa susunod ng proyekto ng grupo ngayong Nobyembre
at maging sa Music video bilang pasasalamat sa kanya.
“Napakasaya ko po kasi, sobra ko
silang iniidolo noon at gusto ko po sila makasamang kumanta, tapos yun, natupad
din po mga pangarap ko.” Ani pa ng binatilyo. *
Screecap photos from GMA News 24 Oras |