Nag-viral ang larawan ng grade 7 student matapos i-upload ng isang netizen ang mga larawan nito sa social media habang nagpapahinga at umiidlip dahil sa pagod sa pagtitinda ng balut.
Photo credit: Areane Reanoga Tabalan
Hatinghabi na ngunit nasa lansangan pa ang bata at may pasok pa raw ito ng 7am kinabukasan.
Ayaw pang umuwi ng bata dahil hindi pa ubos ang kanyang paninda. Wala na raw siyang nanay at ang tatay naman niya ay may sakit.
Photo credit: Areane Reanoga Tabalan
Photo credit: Areane Reanoga Tabalan
“wala na daw po syang nanay, ang tatay naman nya ay may sakit kaya sya nagsusumikap,” sabi ni Areane.
Maraming netizens ang napahanga sa kasipagan ng bata dahil hindi nito alintana ang pagod at antok makabenta lamang at makaipon ng pera para sa kanyang pag-aaral.
May mga netizens na gustong tumulong sa bata at pag-aralin.
Photo credit: Areane Reanoga Tabalan
Photo credit: Areane Reanoga Tabalan
Basahin ang buong post sa ibaba:
“Guys! pasikatin natin ang batang ito para matulungan, lumapit ang batang ito samin para makiupo at magpahinga dahil pagod at antok na antok na daw po sya.. nagtitinda sya ng balut para may pambaon sya sa school, wala na daw po syang nanay, ang tatay naman nya ay may sakit kaya sya nagsusumikap, mamayang 7am pa daw pasok nya pero gabing gabi na naglalako pa sya ng balut, Grade 7 na daw po sya.. Napakasipag ng batang ito at dapat nabibigyang pansin, paki Share na lang po..”
***
Source: Hanep TV