GrabFood rider, iniwan ang order na idedeliver upang matulungan ang isang matanda - The Daily Sentry


GrabFood rider, iniwan ang order na idedeliver upang matulungan ang isang matanda



Likas na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa. Kahit hindi natin kilala o hindi kaano-ano ay nagagawa nating tumulong lalo na sa tunay na mga nangangailangan.
Photo credit: Gladys Sario Alob

Ito ang pinatunayan ng isang GrabFood rider na tumulong sa isang matanda kahit na hindi niya ito kilala. 

Kahit na maaabala siya sa kanyang trabaho ay walang alinlangan ang ginawa niyang pagtulong.

Sa Facebook post ng netizen na si Gladys Sario Alob, lubos ang pagpapasalamat niya sa rider na tumulong sa kanyang ama na biglang nagkaroon ng karamdaman at hindi makapagsalita habang nagmomotorsiklo.

I just want to flex this stranger who help my dad last friday! Salamat Lord sa buhay ni kuya grabe,,, sobrang thank you sa buhay mo kung di mo tinulungan si papc baka worst pa nangyari! May choice siyang i-ignore si papc pero hindi,,, iniwan niya yung grab food na idedeliver niya dapat tapos di na kasi makasalita si papa that time so hindi niya alam kung sinong kokontact-in,,” sabi ni Gladys.
Photo credit: Gladys Sario Alob

Kahit na may idedeliver pa ang rider ay mas inuna nito ang pagtulong sa ama ni Gladys. 

Ang mas lalo pang nakakahanga ay hinatid rin ng rider ang motorsiklo na gamit ng matanda sa bahay nina Gladys. Ginamit umano nito ang OR/CR upang matunton ang kanilang address.

Ani Gladys, kung tutuusin ay pwede ng itakbo ng rider ang motor o pabayaan ito, ngunit gumawa pa rin ito ng paraan upang makatulong sa kapwa.

Sa dulo ng post ni Gladys ay nakiusap siya na i-share ang kanyang kwento upang matunton ang rider at makapagpasalamat ang pamilya nila ng personal at masuklian ang kabutihang ipinakita nito.

Hindi na raw kasi maalala ng ina ni Gladys ang pangalan ng rider dahil nataranta na ito noong mangyari ang insidente.

can u pls share this post di na maalala ni mama yung name ni kuya kasi aligaga na,, We want to personally thanks & bless him too! Please help us na makarating to sa kanya,,, My family is truly thankful for his life!!!

Sa ngayon ay mayroon pa lamang 1k shares ang post ni Gladys.

Basahin ang buong post ni Gladys sa ibaba:

“Late post pero I just want to flex this stranger who help my dad last friday! Salamat Lord sa buhay ni kuya grabe,,, sobrang thank you sa buhay mo kung di mo tinulungan si papc baka worst pa nangyari! May choice siyang i-ignore si papc pero hindi,,, iniwan niya yung grab food na idedeliver niya dapat tapos di na kasi makasalita si papa that time so hindi niya alam kung sinong kokontact-in,,, dinala niya yung motor ni papa sa bahay :(( girl pwede niyang itakbo yun or what pero hindi niya ginawa! Instead tinignan niya yung orcr nung motor para malaman yung address tas hinagilap niya bahay namin,,, grabe lang despite the tragedy NAPAKABUTI PA RIN TALAGA NG LORD! DI NIYA PINABAYAAN SI PAPA,, GRABE GRABE SOBRANG THANK YOU TALAGA!!

can u pls share this post di na maalala ni mama yung name ni kuya kasi aligaga na,, We want to personally thanks & bless him too! Please help us na makarating to sa kanya,,, My family is truly thankful for his life!!! Salamat ng marami kuyang grab driver mabuhay ka & may the Lord bless you even more! Kung sino man pong nakakakilala sa kanya pls contact us sobrang blessed kami sa buhay niya at gusto naming ibalik yun ket sa maliit lang na paraan dahil walang katumbas na salapi/pasasalamat yung ginawa niyang pag tulong hindi lang kay papa kundi sa buong pamilya namin!”





***