Hindi sa lahat ng panahon kayang isumite ng mga estudyante ang mga projects o requirements ng paaralan sa petsa na ibinigay ng mga Guro. Maraming posibleng valid na mga dahilan katulad nalang ng kakulangan ng pinansyal na pangangailangan pambili ng mga materials, walang pang-internet o data, nagagahol sa oras dahil may mas importanteng bagay na kailangang unahin.
Sa panahon ngayon, napakahalaga ang pagbibigay ng kaunting konsiderasyon lalo na sa mga bawat estudyanteng nagpursige at determinadong makapagtapos ng pag-aaral.
Viral ngayon ang isang guro na imbes tulungan ang kanyang estudyante na nagpakumbabang humihingi ng kaunting panahon para makapagpasa ng kanyang school requirement ay pinagalitan at kung ano-ano nalang ang ibinabatong masasakit na salita sa kanyang mag-aaral.
Sa post ni Lawrence Ginete, hindi niya mapigilang ibahagi ang kanyang poot at galit sa inasal at aksyon ng gurong si Yangpi Payang mula Bohol Island State University-Main Campus sa kanyang estudyante na humihingi lang ng kaunting pabor sa kanya.
Sa mga kumakalat na kopya ng kanilang usapan, tila iba na kaagad ang bungad ng guro sa sagot nito sa kanyang estudyante.
"Are we friends Doy?" ito ang reply ni Payang sa chat ng kanyang estudyanteng maayos na humingi ng kaunting konsiderasyon na mahuhuli siya sa pagpasa ng kanyang project at kahit pa maliit na marka ay tatanggapin niya.
"Good evening maam. Can I ask a favor Ma'am? Pwede medyo malilate ako sa phantomime? Tatanggapin ko kahit mababang grade basta lang tanggapin mo lang Ma'am,"
Dahilan ng estudyante ay naging abala umano siya sa mga lakad upang manghingi ng mga tulong at donasyon para sa operasayon ng kanyang kasintahan.
Ngunit tila iba ang mga naging sagot ng guro kahit pa sa maayos at mapagpakumbabang ginawa ng kanyang estudyante.
"Hilas ka. Pls. know ur place," Wag mo akong bigyan ng mga paiyak-iyak na yan. Kasi ang OA mo. Stop using drama dahil wala kang manners,"
Humingi pa ng ebidensya ang guro patunay na totoo ang lahat ng mga sinasabi ng kanyang estudyante at ito'y handa namang magbigay ng kopya ng mga medical certificate.
"Sinabi ko bang I send? Napaka-feeling mo,"
Paulit-ulit na humihingi ng sorry ang estudyante kahit pa marahil hindi niya naiintindihan kung ano ang ikinagalit ng kanyang guro.
"Do not expect a special treatment. U are a student. Do not act na parang magbarkada lang tayong dalawa na para kang sino mag titext saken at manghihingi lang ng pabor,"
Umabot pa sa punto ang guro na isusulat niya ito sa record ng estudyante upang maging basehan sa panahon na mangangailangan na ito ng kanyang Good moral certificate.
"I'm sorry but your manners are not acceptable. As your adviser, hilas ka. Sinong nagturo sayo ng ganyang asal,"
Ayon pa kay Lawrence, na dating mag-aaral rin sa nasabing Unibersidad na hindi ito ang unang pagkakataon na ganito ang ipinapakitang pangit na asal ng guro at marami sa kanyang mga kaibigan ang makakapagpatunay umano tungkol dito.
Humingi din siya ng patas na aksyon mula sa paaralan tungkol sa nagyari.
"BISU-MC grabe yung screening niyo sa mga estudyante para 'best of the best' talaga, pero pumapayag kayo na ganitong professor ang magtuturo sa kanila,?"
Umani ito ng samot saring komento galing sa mga netizens. Marami din sa mga guro ang nagpakita ng pagkondena sa maling asal ng kanilang kapwa guro. Base lamang sa mga larawang kaka-upload, wala silang nakitang mali at 'self entitlement' ng estudyante.
***
Source: Dan Cahulogan Show
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!