Estudyante sa Cebu na kinapos sa oras at hindi natapos ang board exam, naging top 1 board passer - The Daily Sentry


Estudyante sa Cebu na kinapos sa oras at hindi natapos ang board exam, naging top 1 board passer




Posible bang maging top 1 sa board exam kahit hindi mo man natapos ang buong pagsusulit? Posibleng posible! Ito ang pinatunayan ng isang topnotcher na binata mula sa Cebu na labis ring nasurpresa at natuwa nang malaman nya ang resulta na naging bunga ng kanyang lahat ng pagsisikap. 




Lahat ng estudyanteng kukuha ng board exam ay alam kung gaano kahirap ang pagsusulit na kailangan nilang masagot ng tama upang maging karadapat-dapat sa lisensyang nais nilang makamit. Ito kasi ang magiging patunay na sila ay isa nang ganap na propesyonal sa kanilang napiling larangan. Kaya naman ganun na lang katindi kung magsunog ng kilay ang mga estudyanteng magte-take ng board exam. Marami sa kanila ay nagbunga ang paghihirap dahil sa ginawang puspusang pag-aaral at pagdarasal, ngunit marami din ang hindi pinalad makapasa. 


Iba-iba ang dahilan kung bakit hindi nakakapasa ang ilan. Maaaring kinulang sa review o na-mental block, maaari din namang kinapos sa oras kaya’t hindi nasagutan ang ibang katanungan. Pero hindi ganito ang sinapit ng lalaki na ito mula sa Cebu. Kahit kasi kinapos sa oras para matapos ang buong pagsusulit ay nagawa pa rin nyang makapasa. Higit sa lahat ay naging top 1 pa ito.


Kilalanin si Brylle Gilbuena, ang 22-year old Cebuano na umani ng pinakamataas na marka sa Mechinical Engineer board exam sa grade na 88.10%.




Sa 1,904 na kumuha ng pagsusulit, 1,083 lamang ang nakapasa, kung saan si Gilbuena ang nakasungit ng top 1 rank kahit pa hindi nya nasagutan lahat ng katanungan sa nasabing exam. 


Ang binata na nagtapos ng kursong Mechinical Engineering ay produkto ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue (UCLM).


Sa isang report sa ABS-CBN, ibinahagi nya na sobra syang nahirapan sa apgsusulit lalo na sa Math at Science subjects. 


“For five hours, I was not able to answer all 100 questions,” aniya. 


Pangatlo na sya na naging topnotcher mula sa kanilang Unibersidad. 




Lalo pang naging kahanga-hanga ang kwento ni Brylle dahil noong sya ay nasa kolehiyo pa lamang ay wala syang anumang academic honors na natanggap na dulot na rin umano ng pagiging working student nya kaya nahirapan syang balansehin ang pag-aaral at trabaho. 


Gayunpaman, noong sya ay elementary at high school ay isa sya sa mga honor students. 


Bunso sya sa kanilang limang magkakapatid at dahil parehong walang trabaho ang kanyang mga magulang ay ang kanyang ate ang nagsilbing breadwinner ng kanilang pamilya para itaguyod ang kanilang mga pangangailan, kabilang na ang kanyang pag-aaral. 




Bukod sa kanila ay malaki rin ang pasasalamat ni Brylle sa Dyos sa kanyang naging tagumpay. 


“Before I start studying, I pray and read the Bible so that God will guide me and I trust Him to ease my worries. I told myself, whether I pass the board or not or if I will top the board or not, I will praise God,” kwento ng binata. 


Dagdag pa nya, kinailangan nya umanong i-delay ang pagkuha noon ng board exam dulot ng kakulangan sa pera. Kaya naman nagturo muna sya as Senior High School teacher sa UCLM sa loob ng limang buwan para may maipambayad sa kanyang pagre-review. 


Nagbunga lahat ng kanyang pagtyatyaga dahil nang sya ay makapasa sa board exam ay binigyan sya ng brand new car ng kanyang alma mater bilang reward at pasasalamat sa karangalan na binigay nya sa kanyang paaralan.