Photos courtesy of Facebook page @Investa |
Likas sa ating mga Pinoy ang maging matulungin sa kapwa lalo na sa ating mga kapamilya at kamag-anak. Madali tayong lapitan at tumugon sa mga nangangailan lalo na kung ito ay ating mga kadugo.
Ngunit paano kung ang tiyahin mo mismo ay nagsabi sayo na bayaran ang utang ng anak nya na pinsan mo, na hindi maisaayos ang buhay dahil sa pagkakalubog sa utang? *
Ito ang karansan ng isang netizen ang nagbahagi ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang tiyahin na pinapabayaran umano sa kanya ang utang ng anak nito, na pinsan ng nya mismo.
Ito ay matapos makita ng kanyang tiyahin na maganda na ang buhay ng netizen na kanyang pamangkin. Na sa edad na 29, ay wala pa itong asawa, wala pang mga anak na binubuhay at bukod sa may fulltime job ito ay mayroon din syang small online business.
Sa madaling salita ay umaasenso ang ating netizen at maaluwal ang buhay. Dahil na din sa pagtyatyaga na isaayos ang buhay at iprayoridad ang paghahanda para sa kinabukasan.
Maaga rin itong nakapag-ipon at may mga investments na din. Bukod pa dito ay mayroon na rin syang sariling bahay at higit sa lahat ay natutulungan pa nya ang kanyang mga magulang , sya ang nagbabayad ng monthly utilities nila at nagbibigay din sya ng allowance ng mga ito. *
Photos courtesy of Facebook page @Investa |
At dahil nakikita ito ng tita nya, ay nagchat ito sa kanya na bayaran na lang daw umano ng netizen ang utang ng pinsan dahil lubog kasi sa utang.
Nais ng tita nya ng tumulong ito sa pagbabayad ng utang dahil wala pa naman daw siyang mg anak na binubuhay.
"Gusto nila na tumulong ako sa pagbayad kasi "wala naman daw akong anak" na binubuhay. Aanhin ko daw ang pera ko," pahayag ng netizen.
Hindi sya makapaniwala sa lakas ng loob ng tita nya para pagbayarin sya sa utang ng anak nito na hindi marunong humawak ng kaperahan at ng malubog na sa utang ay pinapasagot na sa kanya.
Palibhasa ay nakikita ng kanyang tiyahin na wala pa naman masyadong responsibilidad sa buhay ang pamangkin kaya dapat lang na tumulong ito sa pinsan. *
Photos courtesy of Facebook page @Investa |
"So, pag walang anak walang bayarin? Pag walang anak, walang pangarap? Pag walang anak, dapat saluhin ang problema ng kamag-anak?" ani ng netizen.
At nang tumanggi ito sa gustong mangyari ng tiyahin ay kung anu-ano na umano ang paranig na ginagawa na umabot pa hanggang sa social media.
Ang lakas pa ng loob nitong mangsumbat na kung tutuusin ay wala naman syang utang na loob dito dahil hindi naman sya pinag-aral nito. Lahat ng mayroon sya ngayon ay bunga ng kanyang pagsusumikap na paunlarin ang buhay nya .
"At eto pa, nagpaparinig pa sa facebook, kulang nalang ibroadcast ang pangalan ko. Na wala daw galang sa nakakatandang kamag-anak, na porket umasenso sumama ugali, etc..." dagdag pa nito.
Hindi naman sya naging madamot sa mga ito. Sa katunayan pa nga ay tumutulong din naman sya sa mga nangangailangan. Ngunit sa kabila nito ay parang naging masama pa sya sa kanyang naging desisyon. *
Photos courtesy of Facebook page @Investa |
Kung anuman ang meron sya ngayon ay dahil sa kanyang mga pagsisikap at sakripisyo upang makamit ang kanyang mga pangarap.
"Oo stable ako ngayon kasi madami din akong mga sacrifices before. Stable ang finances ko kasi nagtiis akong magtrabaho at mag-ipon. Tsaka naka budget ang pera ko kasi may pinag iipunan akong new business. Kaya nga single pa ako ngayon kasi busy ako magpayaman eh," paliwanag pa nya.
Isa ito sa mga "toxic Filipino culture" ika nga, na dahil sa sobrang close tayo sa ating mga kamag-anak ay dapat palaging inu-una at binibigyan sila ng pabor na kung minsan ay inaabuso na ng iba.
"Sobrang nakaka frustrate huhu... May mga kamag-anak din ba kayong ganto? Anong advice niyo na gawin sa mga gantong situation? " ani pa nito. *
Photos courtesy of Google |