'Carrot Man' o Jeyrick Sigmaton sa tunay na buhay, WAGI bilang 'Best Actor' sa New York! - The Daily Sentry


'Carrot Man' o Jeyrick Sigmaton sa tunay na buhay, WAGI bilang 'Best Actor' sa New York!



Naalala niyo pa ba ang nag-viral noon sa social media dahil sa pagkalat ng mga larawan nito habang nagbubuhat ng malalaking basket ng Carrots?

Marami ang nakapansin at humanga sa taglay na kagwapuhan at tikas ng pangangatawan ng Mountain Province native na si Jeyrick Sigmaton. Dahilan para maging instant ang pagiging popular nito.




Lalo pang nakilala si Carrot Man nang ito'y madiskubre ng isa sa pinaka tanyag na magazine show ng GMA-7 na "Kapuso Mo, Jessica Soho" taong 2016, kung saan ay naimbitahan din ang dalawa umanong babae na kumuha ng nag-viral na litrato ni Jeyrick.

Maliban sa samu't saring tv guestings ay naging miyembro din ito ng isang all male group na kung tawagin ay "FAB4Z".

"Carrot Man" Jeyrick Sigmaton | thephilippinetimes.com

"Carrot Man" Jeyrick Sigmaton | Google Images

Ngunit kalaunan ay naging madalang ng mapanunod ang binatang taga Baguio sa telebisyon. Pero lingid sa kaalaman ng marami ay unti unti ng gumagawa ng sariling pangalan si Jeyrick sa ibang bansa.

Sa katunayan, nitong taon lang, buwan ng Oktubre ay nagbunga ang dedikasyon at husay nito at pinangaral siya bilang 'Best Actor' sa katatapos lang na International Film Festival Manhattan sa New York.

"Carrot Man" Jeyrick Sigmaton | thephilippinetimes.com

"Carrot Man" Jeyrick Sigmaton | thephilippinetimes.com


Si Jeyrick ang bumida sa isang short film na pinamagatang "Dayas". Kwento ito ng isang maliit na minero sa Itogon, Benguet na nagpapakita rin sa mga kultura ng mga Igorot at upang maipamalas din ang mga talento nito sa pag arte.

“It’s about the livelihood of Kankanaeys in Cordillera,” saad ng direktor ng short film na si Jianlin De Los Santos Floresca

"Carrot Man" Jeyrick Sigmaton | thephilippinetimes.com

"Carrot Man" Jeyrick Sigmaton | thephilippinetimes.com


Kitang kita naman ang ipinamalas na kahusayan ng aktor sa nasabing pelikula, patunay na karapat dapat ito sa karangalang kaniyang natanggap.

Bukod kay Jeyrick, pinangaralan naman bilang "Best Actress" sa International Film Festival Manhattan Autum 2021 ang beteranang artista na si Janice de Belen para sa pelikulang "Wounded Blood" pati na rin ang ilang mga Pilipino na kalahok sa nasabing patimpalak.


International Film Festival Manhattan NYC | Facebook