Nag-viral ngayon sa social media ang ibinahaging video ng isang motorista kung saan nakuhanan niya ang nakakahabag damdamin na sitwasyon ng isang bata na tanging karton nalang ang kinakain dahil sa labis na kagutuman.
Natyempuhan ni Denso Tambyahero sa lansangan ang mag-asawa kasamang ang kanilang dalawang anak na nakakaawang tignan ang mga itsura na puno ng dumi ang mga damit at wala pang mga kain.
Photo Credit: Denso Tambyahero |
"Nadaanan ko ang isang pamilya pilit pinapa andar ang motor ni kuya, ang dungis na nila, flat ang gulong wala pang kain dahil wala din pera, ningatngat ng bata ang karton dahil sa sobrang gutom ayon sakanila galing pa daw sila ng Quezon Province at pauwi ng Bulacan,"
"Hindi pa kayo kumakain? Kawawa naman kayo Kuya, wala ba kayong mga damit? Wala din kayong pera diyan?" pag-uusisa ni Denso sa mag-asawa.
Kailangan pang mangalakal ang mag asawa kasa-kasama ang mga anak upang may maipambili ng kanilang makakain. At kahit pa may banta sa kalusugan ang mga nangyayari ngayon, tila ba'y hindi nila ito alintana at wala silang mga suot na panangga lalo na ang kanilang mga musmos na anak.
Marahil gutom na gutom na ang dalawang bata, nginatngat nalang nito ang hawak-hawak na karton bilang pagkain.
Photo Credit: Denso Tambyahero |
"Gutom na yung mga anak mo. Kumain ka na? Nagugutom na oh. Ningat ngat ang karton sa sobrang gutom,"
At dahil wala pang kain ang buong pamilya, inanyayahan niya itong kumain, at pinaayos ang sira-sirang sidecar upang makabalik na sila sa kanilang probinsya.
Dahil sa napuno na ng puro dumi at kulay putik ang mga kanilang mga suot, binilhan niya ng malinis at bagong masusuot ang buong pamilya matapos silang makaligo. Binigyan niya rin ng pera na magagamit pambili ng pangkain
"Nakakaiyak po talaga ang tagpong eto hindi ko matiis na bigyan lang ng pera pagkatapos ay iwanan lang kaya hindi ako nagbukas ng shop ng araw na yan, inasikaso ko sila pinakain pinaligoan binihisan at pinaayos ang kanilang motor at binigyan ng baon sa kanilang paglalakbay,"
Photo Credit: Denso Tambyahero |
Photo Credit: Denso Tambyahero |
Marami ang naantig sa nagpapasalamat sa kabutihan na ipinadama ni Denso sa pamilyang hindi nman niya kadugo o kaano-ano, talagang nanaig lamang sa kanya ang awa at pagmamalaasakit lalo na sa mga bata.
***
Source: Dens Tambyahero
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!