Bumabaha ang suporta at mga nagpapakita ng kanilang pagmamahal para sa isang napakabait at halos magulang na ang turing nila kay Sir Hans Machacon, ang guro mula sa Abellana National School Day and Night - DepEd Region 7, na winalanghiya at pinagmumura lang naman ng kanyang mga tila walang natanggap na kaunting pagdidisiplina na mga estudyante.
Ngunit marami din sa mga sumusuporta at mga malalapit na kakilala ng guro ang nalungkot at ikinagalit ang inilabas na hatol sa ginawang aksyon at imbestigasyon ukol sa nangyaring pambabastos ng mga estudyante.
Ayon sa post ng anak ni Sir Hans na si Larie Marie, 3-days suspension lamang umano ang ipinataw ng pamunuan ng nasabing paaralan, bilang parusa sa mga bastos na mag-aaral nito kahit pa sa kabila ng gulo at posibleng mental stress na naidulot ng kanilang kawalang respeto sa guro.
"Because all the punishment the "disrespectful" students got is a 3-day suspension after saying "yawa" "kamatay sir"
Ang mga hindi kanais-nais na mga paninira at pagmumura ng mga bata sa pamamagitan lamang sa chat laban sa guro ay di umano'y maituturing na maliit lamang na pagkakasala.
"What they did was considered a "MINOR OFFENSE" daw 🥴,"
"That's why this world continues to become a joke because if you do bad things, you'll never pay as much for what you did 🤮,"
Aminado man si Larie na hindi niya ito saklaw, ngunit pagdidiin niya kung yung ibinigay na ilang araw lamang na pagsuspinde ay ang pinaka magandang aksyon upang matigil at hindi na maulit ang nangyari.
"Yikes talk about attitude. Though this is out of my reach already, is this really the best approach?,"
"A LONGER SUSPENSION OR DISMISSAL NAMAN NA SANA ITO, PARA MATUTO TALAGA SILA SA KANILANG GINAGWA,"
Dagdag pa ng anak na talagang mamimihasa ang mga estudyante sa ganong gawain kung hindi sila maturuan ng tamang leksyon at mabigyan ng nararapat na parusa sa kanila.
"By not giving them a proper sanction simply allows students to breed their so called "attitude" kasi nga wala namang mabigat na punishment,"
Bilang isang anak, isa si Laire sa lubos na nalungkot at hindi makapaniwala sa sinapit ng kanyang Ama sa pambabastos ng kanyang mga estudyante.
"It breaks my heart. I know it's not the first time that an incident like this happened. There may be teachers who have experienced this type of behavior from their students but it was not known by many. All I can say is, I am looking forward on how this can be settled. There should be consequences for people who deserve it!,"
Hindi rin maitago ng dating estudyante ni Sir Hans na si Gwyneth Gabales Racaza ang kanyang pagkadismaya sa tila napakababang parusa na binigay ng paaralan
"Mag sure ta oy?! 3 DAYS SUSPENSIONS lang? Ang unfair! Gusto niyo talagang lalaki pa ang mga sungay ng mga batang yan? Wala lang epek yang 3days suspension kasi Online Class lang naman sila!!! Walang hustisya! Kulang na kulang pa yan sa ginawa nila!,"
"Mas pinaburan niyo yung mga batang may sungay na. Maiisip lang ng mga estudyanteng yan na okay lang mambastos ng mga Teachers at tiyak mauulit at mauulit lang ang nangyari dahil ganyang lang ang punishment na binigay niyo,"
Tunay ngang umaapaw ang kabaitan ng guro dahil siya pa umano ang nagbigay pasensya para sa mga estudyante niya dahil baka may mga problema lang ang mga ito.
"Hayaan mo na Dae, kasi baka may mga problema lang sila sa kanila," saad ng Ama
Nagpaabot din ng pasasalamat si Laire sa lahat ng dating mga estudyante at mga taong nakakakilala sa kanyang ama at nagbahagi ng kanilang mga karanasan kung gaano kabuting tao at guro si Sir Hans mula noon at hanggang ngayon.
"To everyone who has really gone oceans and giving light to people on their own experiences on how patient, kind-hearted, and good my father is, thank you,"
***
Source: Laire Marie
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!