Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
Pangarap ng bawat magulang ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Kaya naman lahat ng sakripisyo ay kanilang ginagawa para mapag aral at matupad ang pangarap nila para sa mga ito.
Gagawing umaga ang gabi at gabi ang umaga, upang kumita para makasapat sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak. *
Kaya naman para sa ating mga anak, bilang ganti sa kanilang mga sakripisyo, tayo naman ang magbabalik ng lahat ng kanilang mga pagsisikap para sa atin.
Hindi man ito nakasulat na batas, ngunit likas sa ating mga Pilipino ang tumanaw ng utang na loob sa lahat ng mga gumawa ng kabutihan sa atin lalo pa, sa ating mga magulang.
Sa viral post ng isang netizen, kung saan ay niregaluhan nya ng money cake ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan, pero hindi pera ang laman nito kundi susi ng isang magarang sasakyan.
Ayon sa post ng netizen na si Kimsen Dawinan, simula ng siya ay makagraduate sa kolehiyo at makapagtrabaho, pinangarap na ni Kimsen na regaluhan ang kanyang ama na sasakyan.
Kwento pa ng dalaga, noong siya ay estudyante pa lang, laging nasa library at computer shops ang nagiging tambayan nya dahil sa ginagawang thesis. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
"8 years ago before mag start yung thesis year nakaset na sa utak ko na library/computer shops yung makakatulong sakin para makapagcontribute sa thesismates ko." bungad ni Kimsen.
Napansin ito ng kanyang ama na sobrang busy ng kanilang anak sa mga paperworks nito sa kanyang pag-aaral. Kaya isang araw habang sila ay naghahapunan, tinanong sya nito kung kailangan ba nya ng laptop?
Sinabi naman ng dalaga, na hindi naman nya ito kailangan dahil may computer naman sa library nila at may mga laptop naman ang mga groupmates nya kaya sinigurado nya sa kanyang ama na hindi na nya ito kailangan.
Matapos ang ilang linggo, pauwi sya ng bahay ng napansin nyang wala sa kanilang garahe ang kotse ng kanyang ama. Inisip lang nya na baka nasa talyer ito at pinapaayos. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
Habang sila ay nagdi-dinner, laking gulat nya nang may inabot na laptop ang kanyang ama. Di nya inaasahang bibilhan sya ng laptop dahil sinabi na nya na hindi naman nya ito kailangan.
Simula noon ay tumatak na sa kanya kung gaano sya kaimportante sa kanyang mga magulang. Lahat ng suporta ay ginawa nila para mabigyan lang siya hindi man lahat pero ng mga bagay na makapagbibigay ng tulong sa kanyang pag-aaral.
"May napansin na ako paguwi ko palang samin kasi wala yung sasakyan namin pero inisip ko baka sira, dinala siguro sa talyer. After dinner nagulat ako may biglang inabot sakin dad ko na laptop. Di ko inexpect na bibilhan nya parin ako kahit sinabi ko na di naman na kailangan." dagdag pa ni Kimsen.
Di nagtagal, dito na napagtanto ni Kimsen na binenta na pala ng kanyang ama ang kanilang kotse. Ito yung kauna-unahang sasakyan na naipundar mismo ng kanyang ama para sa kanila. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
“Kahit na alam kong yun yung unang unang sasakyan na binili nya para sa family namin, he will really do everything for me and to our little family.” ani Kimsen
Nagtatrabaho bilang isang accountant sa isang multinational company si Kimsen. Kaya naman ng magka-pandemya, dito na nagsimulang makapag-ipon ang dalaga.
Hanggang sa kinuntsaba na nya ang kanyang pinsan para kumausap ng dealer ng sasakyan hanggang sa araw na marelease ito sa kasa maging ang mga kapitbahay na para itago ng tatlong araw ang regalong sasakyan.
Nang dumating ang kaarawan ng kanyang ama, ito na ang pagkakataon na maibabalik ni Kimwen sa ama ang kotse na kanyang isinakripisyo para sa laptop ng anak.
"So today ako naman yung mag give back sa lahat ng sacrifices mo daddy. Thank youuuuuu!!!! I’m so lucky and proud at the same time that you’re my dad. Sana nagustuhan mo yung regalo ko sayo." Masayang sabi nito. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
"P.P.S thank you sa lahat ng tumulong sakin para maging successful tong surprise na to. Simula sa paghahanap ng dealer, pagaayos ng papers hanggang sa marelease yung unit at pati sa tumanggap na makipark muna ako for 3nights, kasi di ko pa sya pwede iuwi until kanina. Hindi ko na po kayo isa isahan. I love you all!!!!" ani pa ng dalaga.
Kaya naman ang simpleng birthday ng kanyang daddy na si Rading Dawinan ay naging memorable din sa ama. Naging emosyonal ito habang hinihila ang money cake na imbes pera ang laman ay susi ng isang brand-new car ang laman.
Naging emosyonal ang lahat ng nakasaksi ng tagpong iyon, lalo na nang makita ni Kimsen na naiyak sa tuwa ang kanyang ulirang ama. Maging siya ay hindi na napigilang mapaiyak, tears of joy ika nga. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
Hindi makapaniwala ang kanya ama sa regalong natanggap. Habang binubuksan nito ang susi ay dahan-dahan namang papalapit ang kotse. Dito na napaiyak ng husto ang ama, at nagsigawan na din sa tuwa ang mga bisita.
Napakaswerte ng ama ni Kimsen dahil sa mabait ang kanyang anak, ngunit para sa akin ay higit na maswerte si Kimsen dahil nagkaroon sya ng pagkakataong mapasaya ang kanyang ama.
Isang malaking karangalan para sa ating mga anak ang masuklian ang lahat ng sakripisyo na ginawa ng ating mga magulang para tayo ay arugain at palakihin ng maayos at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Nagviral ang videong ito sa social media, nang interbyuhin sila ng 24 Oras, ikwinentop ng kanyang ama na hindi nito malilimutan ang kaarawan nyang ito.
“Hindi ko akalain na ako ay merong isang materyales na regalo ang anak ko na kotse. Dahil ang alam ko lang talaga isang pamilya get-together.” pahayag ni tatay Rading sa 24 Oras. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |
Kwento pa ni tatay Rading, naibenta nya ang kanyang kotse noon dahil wala na syang ibang maisip na mahihiraman ng pera para ipambili ng laptop.
“Wala talaga akong maisip na uutangan ng laptop, kaya nag-decide ako na ibenta ko na lang ang kotse ko.” dagdag pa ng ama ni Kimsen.
Para naman sa huwarang anak gaya ni Kimsen, hindi nya kayang suklian ang kabutihan ng kanyang ama sa kanilang mag-anak, isang pagtanaw ng utang na loob nya ito para sa kanyang mga magulang. Kahit isang simpleng pamilya lang sila ay masaya at kuntento naman sila sa buhay.
“Kasabihan nga po na isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa anak mo. Super ganoon po siya. Para sa akin, para sa mommy ko, lahat talaga gagawin niya.” pagmamalaki ng dalaga tungkol sa kanyang ama. *
Screencap photos courtesy of Facebook @Kimsen Dawinan |