Amang nag-barter ng manok kapalit ng gadget para sa online class ng anak, na-scam - The Daily Sentry


Amang nag-barter ng manok kapalit ng gadget para sa online class ng anak, na-scam



Viral ngayon ang post ni Rommel Enriquez matapos siyang ma-scam ng P6,500 gamit ang messenger at text messages.
Photo credit: Lemur Enriquez

Dati ng nag-viral si 
Enriquez sa social media dahil sa pagbabarter nito ng mga manok kapalit ng gadget na magagamit ng kanyang anak sa online class.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni 
Enriquez kung papaano siya na-scam at ipinost rin niya ang mga screenshots ng usapan niya at ng mga kawatan.

Isa sa mga kawatan na nag-ngangalang Mondejar Antonnette ay nagtanong patungkol sa ayudang matatanggap ni Enriquez mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

"Meron tumawag at [nag-send ng] friend request [sa akin] tapos ayan na nangyari ubos yung [lamang pera] ng GCash ko. Yung benta ko po sa [mga rabbit] para ipambayad sa trabahador, inubos nila," sabi ni Enriquez sa kanyang Facebook post.


Photo credit: Rommel Enriquez

Sumagot naman si Enriquez at sinabing wala pa siyang natatanggap na pera. Dito na sinabi ni Mondejar na kapag may natanggap umanong text message si Enriquez ay maaari ng makuha agad ang pera.

Matapos ang kanilang usapan ay isang Mea Lenna naman ang nagpakilala kay Enriquez bilang isang 'care request [specialist]'.

Kinuha ni Lenna ang mga impormasyon ni Enriquez sa kanyang G-cash account. 

Sa pag-aakalang meron ngang pumasok na pera, ibinigay ni Enriquez ang mga detalyeng hinihingi sa kanya. Hindi niya namalayan na pati ang pin ay naibigay niya.

Nagulat na lamang si Enriquez dahil nawala na ang perang naipon  mula sa negosyong pagbebenta ng mga kuneho.



May mga dumating rin na text confirmations kung saan nagamit ang kanyang account sa iba’t ibang transaksiyon.






Nanlumo si 
Enriquez sa nangyari sa kanya. Aniya, pambayad raw ang laman ng Gcash para sa kanyang munting negosyo.

Naawa naman ang mga netizens kay Enriquez at galit ang kanilang naramdaman sa mga manloloko.


***