Ang edad na 60-anyos ay kinukunsidera ng retirement age kaya naman ang tawag sa kanila ay mga senior citizens. Sa kanilang edad, dapat ay nagpapahinga na lamang sila sa kanilang tahanan.
Karamihan sa mga senior citizens ay medyo mahihina na ang katawan sa pagtatrabaho ngunit kailangan pa rin nila ang magbanat ng buto para sa kanilang pamilya.
Dahil sa hirap ng buhay, hindi maiiwasan na marami pa rin ang matatandang naghahanap buhay. Kahit na hirap na hirap na sila ay wala silang magawa kundi ang kumilos para matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Katulad na lamang ng 75-anyos na lolo na isang pedicab driver.
Dinurog ang puso ng mga netizens ng malaman na naghahanap-buhay pa rin ang isang 75-anyos na lolo bilang isang pedicab driver.
Ito ay matapos ipost ng netizen na si Joana Karyl Alforte Arce sa kanyang Facebook account ang larawan ng matanda kalakip ang caption na:
“’Kaya ko naman kaso mabagal lang kasi malakas ang hangin', 'Dami nga nag rereklamo minsan kasi mabagal daw pero kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas' -Tatay”
May mga pasahero raw kasi ang matanda na nagrereklamo dahil mabagal raw ang kanyang pagpadyak ng pedicab.
Dahil dito ay marami ang naawa kay lolo at agad na nag-viral ang post ni Joana.
Sa comment section ay may mga netizens na nagtatanong kung saan matatagpuan si lolo at kung papano ito mabibigyan ng tulong.
Sa ngayon ay umabot na sa 18k reactions at 11k shares ang post ni Joana.
Samantala, may mga netizens na ang nakapag-abot ng kanilang tulong kay lolo.
Photo credit: Angela Mojica III
Photo credit: Angela Mojica III
Photo credit: Angela Mojica III