Ang edad 60 pataas ay tinatawag ng senior citizen dahil dito naka-base ang retirement sa pagtatrabaho upang makapagpahinga sa haba ng panahong nagbanat ng buto.
Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Subalit, hindi lahat sa atin ay may magandang sitwasyon ng pamumuhay o trabaho. Kaya karamihan sa ating mga lolo at lola at patuloy pa rin sa pagkayod at pagsusumikap para sa kanilang pamilya kahit mahina na ang kanilang katawan.
Dahil sa hirap ng buhay, napipilitang magbatak ng buto ang mga matatanda kahit na delikado o hindi na ligtas sa kanila ang mapagod sa araw-araw.
Katulad na lamang ng isang 75 anyos na lolo na nagtitinda ng puto at kutsinta sa Imus, Cavite, na talagang umantig sa puso ng mga netizens dahil sa pagsusumikap nito.
Lolo Jun / Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Lolo Jun / Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Ibinahagi ng netizen na si Lorraine Joanino ang kanyang paghanga kay lolo Gavino ‘Jun’ Esciso na nagtitinda sa tabi ng isang mall sa Bucandala III, Imus, Cavite.
“Humanga po kami at na-inspire kay tatay kasi kahit mahirap ang ginagawa niya at may edad na, sa gitna ng pandemic nagsusumikap pa rin po siya magtinda para sa pamilya niya,” sabi ni Lorraine.
Lolo Jun / Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Lolo Jun / Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Mula sa Brgy. Salitran I, Dasmariñas City, Cavite, si lolo June. Aniya, halos limang taon na siyang naglalako ng puto at kutsinta sa araw-araw.
“Hindi maiwasan na di ako magtitinda kasi may pinapakain ako yung isang apo kong lalaki limang taon kasi po yung magulang patay na...in-adopt ko na po yung bata kami na po ang nagpapalaki,” sabi ni lolo Jun.
Lolo Jun / Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Lolo Jun / Photo credit: Bayan Mo, Ipatrol Mo
Umaabot raw sa 300 hanggang 500 ang kita ni lolo Jun sa isang araw. Sapat lang para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Panawagan niya, “Ako po bilang isang vendor ay nanawagan na kung pwede kung maaari lang kung makita ninyo ako sa paglalako-lako ay tulungan nyo po ako kahit paano ay bumili-bili sila sa akin.”
***
Source: Bayan Mo, Ipatrol Mo