15-anyos na iskolar, namigay ng ayuda gamit ang kaniyang 'scholarship allowance!' - The Daily Sentry


15-anyos na iskolar, namigay ng ayuda gamit ang kaniyang 'scholarship allowance!'



Pinatunayan ng 15-anyos na si Jarred Gaviola na hindi nasusukat sa edad at lalong hindi kinakailangan ng mataas na katayuan sa buhay ang pakikipag kapwa-tao at pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa murang edad ay naisipan na ng Grade 9 student na si Jarred na ipamahagi ang kaniyang natanggap na P3000 libong pisong scholarship allowance sa kanilang lugar.




Kilala bilang mabait at mahusay na mag-aaral, ginamit nito ang kaniyang perang natanggap upang bumili ng mga pakete ng gatas at kape para sa kaniyang binabalak na misyon.

Upang madagdagan ang kaniyang mga ipamimigay, nagsagawa siya ng donation drive at kalaunan ay nakalikom ng sapat na halaga upang makapamili pa ng karagdagang gatas, kape, biscuit, bigas at iba pang pangangailangan.

Jarred Gaviola | Facebook

Jarred Gaviola | Facebook


Hindi lang ito ang unang pagkakataon na tumulong sa kapwa si Jarred. Kaya naman marami ding mga indibidwal na nagboluntaryo ay nag-paabot ng tulong para maging matagumpay ang pamimigay ng ayuda nito.

Umabot sa dalawang daang pamilya mula Brgy. Tunasan at Brgy. Bayanan pati na rin ang mga utility at mga canteen workers sa kaniyang paaralan na Muntinlupa Science High School ang naabutan ng tulong ni Jarred.

Jarred Gaviola | Facebook

Jarred Gaviola | Facebook


“Para po sa akin, ang edad at estado sa buhay ay hindi po dahilan para di makatulong sa kapwa.”

"It started from my own scholarship allowance."

"Because for me, there are many people who are hungry and needing food. They need more care as time goes by."

Jarred Gaviola | Facebook

Jarred Gaviola | Facebook


"I used my scholarship allowance given by the local government to buy these milk packs and coffee sachets."

"And after that i have decided to open my own donation drive so that I can help more people"

"I am a proud scholar of Muntinlupa"