Tindero ng Taho, pasan-pasan ang kaniyang 1 taong gulang na anak habang naghahanap buhay! - The Daily Sentry


Tindero ng Taho, pasan-pasan ang kaniyang 1 taong gulang na anak habang naghahanap buhay!



Marami ang naantig sa mga larawan na ibinahagi ng isang netizen na si Jam Perry Branch. Tampok kasi dito ang isang tatay na nagtitinda at naglalako ng taho, habang pasan ang kaniyang isang taong gulang na anak.

Sa kwento ni Jam, madalas umano nitong makita sa kanilang lugar ang tindero ng taho na kinilalang si Richard Paclibare 30-anyos mula Binangonan, Rizal.




Madalas rin siyang bumili rito kaya naman laking gulat niya, nang isang araw ay nakita niyang may pasan pasang sanggol si Richard.

Dahil sa nakakahabag na sitwasyon, sinubukang kapanayamin sandali ni Jam ang taho vendor. Dito niya nalaman na anak ni Richard ang naturang sanggol.

Ayon pa dito, pagkasilang palang daw sa kaniyang anak ay iniwan na ito umano sa kaniya ng kaniyang asawa. Wala na rin siyang komunikasyon dito.

Imahe mula kay Aljun Tubahon

Imahe mula kay Aljun Tubahon


'Single Parent' sa madaling salita ang masipag na magtataho at dahil sa mag isa na lang niyang binubuhay ang kaniyang 1 taong gulang na anak ay kinakailangan niya itong isama at bitbitin habang naghahanap buhay.

Sinubok man ng panahon ay matiyaga paring nagsusumikap at araw-araw na binubuhat ang kaniyang mabigat na paninda para sa kaniyang anak.

Imahe mula kay Jam Perry Branch


May kapatid naman daw si Richard na pwedeng magbantay sa 1-anyos na bata pero may mga pagkakataon din naman na may kailangang gawin ito. Kaya kaysa walang kitain ay sinasama niya na lang ang kaniyang anak sa pagtitinda at paglalako ng taho.

Sa kagustuhang makatulong ay minabuti ni Jam Perry na ibahagi sa kaniyang social media account ang sitwasyon ng masipag na magtataho. Wala mang sapat na pera upang ibigay sa mag-ama ay malaking bagay na ang ginawang ito ni Jam.

Mabilis itong kumalat at dahil marami ang napaluha at bumilib sa kwento ni Richard Paclibare ay dinagsa ito ng tulong at nakarating sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa kaugnay na balita, nakatanggap umano ito ng sariling pang negosyong food cart, groceries at inabutan din ng tulong pinansyal ng programa.

Itinampok din ang kaantig-antig na istorya ng mag amang ito sa Facebook page ng GMA News, dahilan para mas bumuhos pa ang tulong na lubos na kailangan ng dakilang ama na si Richard.

Imahe mula kay Jam Perry Branch



Narito ang kabuuang post ni Jam Perry:

"Magandang Araw po, Sya po si kuya Richard Paclibare Vendor ng taho 30yrs old at nakatira po sa Bagong Buwan Aran  Darangan Extension Binangonan rizal."

"Madalas kopo makita si kuya na naglalakong taho at madalas din po ako bumili sa kanya at this time po Napadaan po sya sa bahay at binilan kopo sya ng tinda nya, bumilib at nahabag po ako sa kanya dahil habang nagbebenta sya kasama nya ang anak nya na Isang taong gulang palang po. Single parent daw po sya kasama nya ang anak nya sa pagbebenta ng taho. Gusto kopong tulungan si kuya pero short din po ako sa pera para matulungan sya, eto po ang naisip kong paraan para makatulong kay kuya, sana po tulungan nyo ako na maiparating itong post ko kay sir #raffytulfoinaction para matulungan si kuya. Maraming salamat po sa tutulong para maiparating ito kay idol raffy."