Kung sino pa yung walang-wala at may kahinaan na, sila pa ang may busilak na puso upang tumulong sa nangangailangan.
Bumihag sa puso ng mga netizens ang kabutihang loob na ipinakita ng isang Lola sa probinsya na walang pag-iimbot ay buong pusong tinulungan ang isang taong nanghihingi ng kaunting kanin na kanyang makakain.
Sa social experiment ng ginawa ng isang online video creator na si Lucky o mas kilala bilang kingLuckss sa kanyang online channel, nagpanggap siyang isang gutom na palaboy at kumakatok sa mga kabahayan upang manghingi ng kanin.
Bukas palad siyang tinanggap at pinatuloy ni Lola sa kanyang mumunting bahay kubo upang makaupo at makakain.
Umaapaw ang kasiyahang nadarama ni Lucky sa kabaitan ng matanda sa kanya. Kahit wala man itong maibigay na kanin, handa siya nitong ipagsaing. At dahil narin sa kanyang pagpanggap na sobrang gutom, agad na nagpaalam ang matanda upang ihingi siya ng kanin sa kapitbahay.
Nakangiting pinatuloy siya ng matanda at pinaghanda pa siya ng makakainan. Binigay pa nito ang natitirang paksiw na ulam na itinabi para panghapunan sana.
"Sa itaas pwede kang kumain. Dito ka para may mesa ka. Okay lang, umupo ka." saad ni Lola
"Huwag kang mahiya. Tao lang tayo. Walang problema." dagdag nito.
"Nay sa lahat ng nilapitan ko, ikaw lang nakikipag-usap sa akin. Kaya masaya ako, Nay," pasasalamat ng vlogger sa kabutihan ng matanda.
Kaya dito na niya inilabas ang kanyang totoong pakay ang tumulong. Binigyan niya si Lola ng limang libo, ngunit tinanggihan lamang ito ng matanda.
"Huwag na. Sa iyo lang yan. Para may pangbili ka ng pagkain mo. Okay lang naman ako. Kung wala akong pera pwede naman ako makahiram dito,"
"Sayo na yan, para pamasahe mo. Malaki ang pera na yan.
At kahit pa anong pilit niyang iabot ang pera sa kamay ng matanda, buong puso niya itong tinanggihan, hanggat lumuhod na siya para lang tanggapin ni Lola ang tulong niya.
Tinawag din ni Lucky ang isa pang matanda na siyang nagbigay ng kanin kay Lola upang mabigyan din ng tulong, ngunit parehas lang ang ginawa nito, tinaggihan ang kanyang pera.
Sa kanyang pagpupumilit, wala ng nagawa ang dalawang matanda kundi tanggapin ang pera.
"Sobrang laki na nito, wala ka ng pera sayo. Ang Panginoong Diyos ang magbabayad sayo. Magbigay ng panalangin sa iyong trabaho.
***
Source: kingLuckss
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!