Isang kaawa-awang matanda ang itinampok sa Facebook page na Virgelyncares 2.0. Kung saan mayroon itong malaking bukol sa mukha na dalawampung taon na niyang dinadala.
Kinilala ang matanda na si Mang Felix. Ayon sa kaniyang misis, maliban sa kalagayan ng kaniyang asawa ay hirap din silang maitawid ang kanilang pang araw-araw ng pagkain.
Nanghihingi lang di umano sila sa mga kapamilya at kamag-anak ng pambili ng gamot at nakakatanggap din naman ng pagkain mula sa mga dumadalaw sa kawawang matanda.
Kwento ni Tatay Felix, bata pa lang siya ay mayroon na siyang maliit na bukol sa mukha hanggang sa tuluyang lumaki ito.
Nagkaroon daw ng unang operasyon at kumuha ng laman sa kaniyang dibdib para matapalan ito. Ngunit matapos iyon ay lalo ng lumaki ang kaniyang bukol sa mukha.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Bago pa magumpisa ang panayam sa matanda ay pinagsuot na nila ng facemask si Virgelyn dahil sa may hindi na kanais-nais na amoy ang sugat nito.
Sa loob ng 20 taon na pagsasakripisyo ni nanay ay hindi nito nagawang iwan ang kawawang asawa bagkus ay mas lalo pa niya itong inaruga.
Taliwas sa ibang mga may malubhang kalagayan, hindi naging masungit at iritable si Tatay Felix.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Ayon din sa kaniya, bagamat mabigat ang daladala nito ay normal naman daw ang kaniyang pag-iisip at pakiramdam.
Patuloy man sa paglaban ay nakakalungkot isipin na dumarating na din sa hangganan ang pag titiis ni Tatay Felix at pinagpapasa-Diyos na lang niya kaniyang buhay.
Agad naman itong tinutulan ni Virgelyncares at sinabing magpatuloy lang sa paniniwala at pag-asa na gagaling pa ito.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Kasabay nito ang pag abot niya ng 20,000 libong pisong tulong para sa gastusin at pangangailangan ni Tatay Felix.
Hindi man halos makapaniwala ay lubos pa rin ang pasasalamat ng mag-asawa sa tulong na ito mula sa mga OFW na sumusubay sa magandang adhikain ng programa.
Bumuhos din ang suporta mula sa mga libo-libong mga netizens na nakapanood sa kalagayan ng matanda.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Kaliwa't kanan ang tulong pinansyal at mga panalangin para sa agarang pag galing, ang maya't mayang natatanggap ni Tatay Felix dahil sa ibinahaging bidyo ng programa.
Salamat sa patuloy na pagiging instrumento mo Virgelyncares 2.0 upang matulungan ang mga kapus-palad nating mamamayan at nawa'y maoperahan at gumaling na sa lalong madaling panahon si Tatay Felix ng sa ganun ay tuluyan na silang makapamuhay ng matiwasay.
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Virgelyncares 2.0 | Facebook
Source: Virgelyncares 2.0 | Facebook