Marami sa ating mga Pilipino ang talagang nagtitipid at pilit na pinagkakasya ang kanilang kakarampot na kita o suweldo para sa kani kanilang mga bayarin.
Isa na rito ang mga kapwa nating trabahador na mga 'security guards'. Hindi kaila sa iilan na kahit mahabang oras ang ginugugol ng mga ito sa lugar kung saan sila naka destino ay maliit lang ang sahod ng mga ito.
Bukod pa riyan ay ang mga iilang balita kung saan madalas ay na de-delay ang pasahod sa mga ito.
Kaya naman ramdam ng marami, ng may isang sekyu na nag 'facebook live' habang kinakain ang baon niyang kanin at tubig.
Ibinahagi ni Julito Dumapit Tapdasan sa kaniyang Facebook account ang kaniyang 'live video' kung saan kapansin pansin na wala itong ulam at sa tuwing sumusubo siya ng kanin ay siya ring lagok nito sa kaniyang baong tubig.
Julito Dumapit Tapdasan | Facebook
Julito Dumapit Tapdasan | Facebook
Hindi naging malinaw ang naging motibo ng bidyo pero marahil ay isa itong paraan ni Julito upang maibahagi ang buhay ng pagiging isang guwardiya. Gayunpaman, maraming netizens pa rin ang naantig sa sitwasyon ng sekyu.
Batid ng nakararami na kakulangan sa budget ang dahilan kaya tanging kanin lang ang kinakain nito.
Sa kabila ng nakakaawang sitwasyon ni "manong guard" (madalas na tawag ng mga pinoy sa sekyu) ay kita naman ang mga ngiti sa labi nito.
Julito Dumapit Tapdasan | Facebook
Julito Dumapit Tapdasan | Facebook
Marami rin ang bumilib na sa kabila ng kakulangan sa kinakain nito ay nagagawa pa rin nitong pumasok at gampanan ang kaniyang tungkulin. Kahit na minsan ay lubhang delikado ang trabaho ng mga 'frontliner' na ito.
Tumabo ng 31k reactions, 1.5k comments at 20k shares ang naturang layb bidyo na tumagal rin ng 15 minuto at 19 segundo. Marahil sa dami na rin ng naka-relate sa sitwasyon ng guwardiya.
Source: Julito Dumapit Tapdasan | Facebook
Ilan sa mga komento ang mga sumusunod:
"May mga tao na puro reklamo,ayan c manong Guard kanin at tubig lang,dami kung iyak,samantalang halos minsan napapanisan pa,naranasan ko yang mga paghihirap na yan,tiis lang sir,basta walang sakit,nakikita tau ng Dios lahat ng mga gngawa natin,basta gawa k lang ng mabuti at darating din sau ang magandang bukas,indi laging gabi,maybukas din na darating sau,God Bless Sir." - Magno
"Ay naluha ako naawa ako , nakakaawa pla tingnan kumakain ng walang ulam , ok lang walang ulam basta may kanin may makain. Alam ko yan naranasan ko rin yan mahirap lang din kami hirap lunukin ng kanin pero pagsanay ka na lunok nlang ng lunok hehehehe." - Francie
"Yan c kua kahit walang ulam kumakain iba Jan sobrang arti pag walang ulam hindi kakain importanti may knin sana ang mga kabataan ngayon mag sikap kau mag aral mara matumbasan nyonang pag hihirap ng mga magulang nyo hindi puro barkada at Bsyo ang Ina atupag nyo pag nag kaproblima kau magulang ang napipirwisyo hindi mga tropa nyo" - Nerly
"Alam mo buddy Basta pagdating sa pamilya lahat tiisin natin maibigay Lang natin sa kanila ag pangangailangan nila sa araw2x lahat tinitiis natin gaano man Yan kahirap masuwerte kpa ulam Lang Wala sau may work k nman Ina Jan walang trabaho dahil sa pandemic n it hnd nila Alam saan sila kukuha sa arawaraw na ipakain nya sa pamilya nya budy Laban Lang sa buhay may awa ag diyos at lagi mo tandaan hnd k binigyan NG diyos ng pagsubok n dimo Kaya Kaya mo Yan buddy" - Resty
"Kahit ASIN Nlang sana bro,pampalasa ng puro kanin durog lahat mga tao naka saksi ng video m0 bro," - Jundrick