Photos courtesy of Facebook page Home Buddies @Beverly Maquiñana |
Kasama na sa buhay ng isang tao ang
mga pagsubok at paghihirap na pinagdadaanan natin habang tayo ay nabubuhay sa
ibabaw ng mundong ito.
Kung di ka man kasama sa mga
masu-swerteng ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ika nga ng kasabihan,
mula pa lang sa pagkamusmos ay tiyak na pagdadaanan mo na ito sa murang edad pa
lamang. *
Pero sabi nga, ang mga pagsubok ay
nariyan upang magbigay sa atin ng aral sa buhay upang tayo maging matatag at
makasabay sa hamon ng buhay habang tayo ay tumatanda.
Napakasarap sa pakiramdam ang magbalik
tanaw sa mga pagsubok at paghihirap na dinanas natin sa buhay at kung papaano
natin ito napagtagumpayan.
Isa na rito ang nakaka-inspire na
kwento ng isang netizen na si Bb. Beverly Maquiñana na kanyang ibinahagi sa isang
Facebook page na Home buddies.
Nais nyang maka-inspire sa atin ang
kangyang success story, na sa kabila ng kahirapan, sinikap nyang
makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang mga magulang na halos
gumapang sa paghahanap-buhay maitaguyod at mapag-aral silang magkakapatid.
Kwento ni Beverly, lumaki sila sa
squatter area sa Recto, sobrang struggle para sa kanilang mag-anak ang
makadiskarte ng kakainin sa pang araw-araw, kaya naman sobrang payat pa niya
noon. *
Photos courtesy of Facebook page Home Buddies @Beverly Maquiñana |
Nagsilbing inspirasyon sa kanya ang
kahirapan na pinagdaanan noong siya ay nag-aaral pa lamang. Kung dati ay sa
lapag lamang silang mag anak kumakain at nanghihiram lang sya ng bag at sapatos
sa kapitabahay, dalawang beses nasunugan ng bahay at iba pang mga pagsubok.
Sinikap at nagpursige si Beverly na maka-pagtapos
sa pag-aaral at makapagtrabaho upang makatulong sa kanyang mga magulang.
Kaya naman maaga syang naka pagtapos
ng pag-aaral at agad na nakapagtrabaho. Subalit nakatanggap pa rin si Beverly ng pang-aalipusta mula sa kanyang mga trabaho dahil sa edad na 18 ay natanggap agad
sya sa corporate world, pero di sya nagpa-apekto dito at ipinagpasa Dios nya
ang lahat.
“Ang bata mo pa tapos natanggap ka
agad dito?”, “Ganito ka lang eh, eto ako”, “You’ll never earn 6 digits” pahayag
ni Beverly. *
Photos courtesy of Facebook page Home Buddies @Beverly Maquiñana |
“I constantly challenged myself- I
worked in Ph for about 4 years until the biggest US bank offered me a Project
Manager role in HK.” Dagdag pa ng dalaga.
Bukod sa pagpupursige ay sinabayan nya
ito ng pananampalataya sa Dios, kaya naman sa edad na 25 ay ibinalik nya ang
mga blessings na natanggap at bilang pasasalamat sa kamyamg mga magulang na
iginapang sila upang makapag-aral ay niregaluhan nya ang mga ito ng sariling
bahay at lupa, pinag-aral ang tatlo nyang mga kapatid sa mga pribadong eskwelahan.
“After 3 years sa HK nakaipon ako at
nakapundar ng bahay at lupa para kila mama at papa. At the age of 25, nabigay
ko na din yung regalong pinaghirapan ko for them, praise God!” ani Beverly.
“From squammy sa Recto to HK, mga
atembs! Sobrang naiyak ako nung pinakita ko kila mama yung offer, praise God
tlga, kasi ang prayer ko lang was maka pagprovide ng enough para sa pamilya,
pero He gave me more than what I prayed for.” dagdag pa nito.
“At laking pasasalamat ko sa mga
magulang ko na iginapang makapagtapos lang ako, mga kapatid ko na naginspire sa
akin, pati na rin sa mga kaibigan at katrabaho ko na tumulong sakin. At
syempre, all glory kay God!” ayon pa sa dalaga. *