Pinay sa Amerika, nakakatipid ng P75k a month dahil sa pagkuha ng mga pagkain sa basurahan - The Daily Sentry


Pinay sa Amerika, nakakatipid ng P75k a month dahil sa pagkuha ng mga pagkain sa basurahan



Isang housewife mula sa Florida, U.S.A ang nakakatipid ng $1,500 o P75,000 a month dahil sa pagiging dumpster diver o pagkuha ng mga pagkain sa basurahan.
Photo credit: Inday Roning

Kinilala ang pinay na si Rona “Inday Roning”. Siya ay may asawang amerikano at may isang anak. 

Bukod sa pagiging part-timer pet nanay at driver, mayroon din Youtube account si Inday Roning. Siyempre ang kanyang content ay ang pagiging dumpster diver.

Hello, mga kaibigan, kalkal basura na naman tayo,” ito ang usual opening ni Inday Roning sa kanyang vlogs.
Photo credit: Inday Roning
Photo credit: Inday Roning

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 146k subscribers ang Youtube account ni Inday Roning. Ilan sa mga nakukuha o nakakalakal niya ay mga prutas, gulay, organic eggs, meat, processed food gaya ng sausages, bottled juices, condiments, at snacks.

Minsan ay mayroon din siyang nakukuhang make-up items, chips, bags of chocolates, noodles, brand new novels, at maging electric equipment gaya ng hair dryer.
Photo credit: Inday Roning
Photo credit: Inday Roning

Aniya, dahil sa kanyang pagiging dumpster diver ay nakakatipid na siya ng $1,500 a month o PHP75,000 kada buwan.

Na-feature din si Inday Roning sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga! noong May 2021 kung saan ibinahagi niya kung papaano siya nagsimula bilang dumpster diver.

Naengganyo rin po ako dahil sa dami ng pagkaing tinatapon at nakikita ko rin sa daan."
Photo credit: Inday Roning
Photo credit: Inday Roning

Kasi nga maraming gamit na tinatapon, kaya po naengganyo po ako diyan sa dami po,” sabi  ni Inday Roning.

Kwento niya, iniisa-isa raw niya ang pagchi-check sa mga dumpster sa kanilang lugar. Aniya, ang mga dumpster na malapit sa grocery stores at supermarkets ang naglalaman ng mga bagay na importante at mapakikinabangan pa.

May mga katulad din siyang dumpster diver at kung minsan ay nakakasabay ang mga ito, ngunit mayroon silang “unspoken rule daw na first come, first serve sa pagkalkal.”

Ani Inday Roning, may bigayan sa mga dumpster divers.

Saan napupunta ang mga pagkaing nakukuha niya?

Dito sa kusina po, kinakain po namin,” sagot ng Pinay.

Kwento pa niya, naglalagay rin daw siya ang blessing boxes kung saan maaaring kumuha ang iba pang lahi ng pagkain, kabilang ang mga kababayan nating Pilipino.

Ang mga nabuksang pagkain o snacks naman ay pinapakain nila sa mga hayop o kaya ay ginagamit na pataba sa lupa sa hardin.

Sa isa namang interview ni Saleema Refran ng GMA News kay Inday Roning noong Agosto 28, 2021, ikinuwento nito kung bakit niya naisipan maging dumpster diver.

Tinitingnan lang po namin yung laman ng dumpsters. So, pagtingin namin, marami palang gamit na mapakinabangan pa, kaya na-entice po kami at na-inspire po na pupuntahan ang ibang basurahan din,” sabi niya.
Photo credit: Inday Roning
Photo credit: Inday Roning

Never pa po kaming nabobokya sa pamamasura namin, sobrang dami po talaga. Hindi ko mabilang [worth of ] thousands of dollars talaga yung mga waste, foods, mga gamit dito. Sobrang dami mga prutas mga gulay, mga itlog. Hindi lang mga pagkain, mga hotdog…” dagdag pa niya.

Naitanong din sa asawa ni Inday Roning kung ano ang masasabi nito sa ginagawa ng kanyang maybahay, ani Chris Meloche,

My wife is a very good cook, [she] saves money. It’s pretty cool. She helps save money, our food budget. It stops the stuff from being wasted, just going to the dump, and get thrown to the garbage… vegetables, sometimes pizza, sometimes hotdogs.”

“It’s many different things. It’s never the same thing all the time. So, it’s kinda interesting. I’m proud of her. She’s doing a great job, she’s really enjoying,” dagdag nito.

Hindi rin daw nag-aalala si Inday Roning na baka marumi o sira ang nauuwing pagkain.

Never po kaming nakadala ng pagkain na sira na dahil we make sure po na yung pagkain is nakabalot, never been opened. At lalung-lalo na, gabi po kami nagpupunta sa basurahan, kinukuha po namin yung mga bagong tapon.”

Pagdating sa kanilang bahay, nililinis ni Inday Roning ang mga pagkain na nakuha gamit ang tubig na hinaluan ng baking soda at suka.

Mabusisi rin daw niyang tinitignan ang expiration dates ng mga items upang makatiyak na ligtas pa itong kainin.
Photo credit: Inday Roning
Photo credit: Inday Roning

Hindi ba siya sinisita o pinagbabawalan?

Aniya, “Huwag ka lang pumunta sa mga, ‘No trespassing,’ kasi yung mga areas, may mga no-trespassing [signs]... Pero [ang] dumpsite diving, di bawal.”

Sa isang video na in-upload ni Inday Roning habang siya ay nangangalkal ng basura, may isang staff sa kalapit na establishment ang lumapit at may inabot sa kanya.

Thank you so much. Appreciate it,” maririnig na sabi ni Inday Roning sa staffer.

Sa laki ng natitipid ni Inday Roning at ng kanyang asawa sa pagkain, ang iniisip na lamang nilang gastusin ay gatas at vitamins para sa kanilang anak.

Aniya, wala raw dapat ikahiya sa kanyang ginagawa. 

So iyan, mga kaibigan, diskarte lang iyan. Hindi tayo mahihiya. Bakit tayo mahihiya? Hindi naman tayo mag-feeling datu,” sabi ni Inday Roning sa isa sa kanyang mga videos.
Photo credit: Inday Roning
Photo credit: Inday Roning

Si Inday Roning ay laki sa pagsasaka at sa hirap kaya natuto itong dumiskarte sa buhay.

Sa interview ay naluha si Inday Roning. Paliwanag niya, “Dahil sa dami ng pagkaing tinatapon. Inisip ko rin yung iba, wala silang kinakain.

At saka yung dumpster diving, it really comes from my heart, na kami po family ko, nag-grow po kami sa farm. So, yung tinatanim namin, yun po ang aming konsumo. Yun yung aming every-day living.”

Masaya rin siyang nakakatulong sa iba, lalo na sa mga nangangailangan, dahil inaabutan rin niya sila ng pagkain.

Saad pa niya, “Habang nabubuhay pa po ako, I will save food from the dumpster.

“I am very proud po.


***
Source: PEP