Ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabahong nanny sa Switzerland ang kabutihang loob ng kaniyang mga among French.
Cherrie Salamanca and Chloe Alzarka / Photo credit to the owner
Sa isang episode ng “Bawal Judgemental”, segment ng Eat Bulaga, ikinuwento ng isang Pinay na si Cherrie Salamanca kung papaano gumanda ang kanyang buhay sa tulong ng mababait na amo.
Kwento ni Cherrie, 11 years na siyang OFW sa Dubai at 8 years naman siyang namamasukan sa kanyang mga French na amo.
Aniya, dahil sa kanila ay gumanda ang buhay ng kanyang pamilya. Nakapagpundar siya ng sasakyan at negosyo.
Cherrie Salamanca / Photo credit to the owner
Cherrie Salamanca / Photo credit to the owner
Tinulungan din siya ng mga ito na pag-aralin ang mga anak sa Dubai at magkaroon ng resident visa.
"Nakabili na ako ng sarili kong sasakyan, meron na akong maliit na agricultural land, may nabili ako na dalawang small apartment," sabi ni Cherrie.
Aniya, noong nasa Dubai pa lamang sila ay lagi na raw siyang kasama ng mga amo tuwing bibisita sila sa Switzerland tuwing holiday, hanggang sa tuluyan na silang nakalipat sa naturang bansa at nagkaroon na siya ng residence ngayong taon.
“Isa 'yon sa mga reason kung bakit napakasuwerte ko sa amo ko. Sila lahat ang nag-process ng documents, papers, expenses, para lumipat dito sa Switzerland. Alam naman natin na hindi madali dito sa Switzerland pumunta, at hindi mura para pumunta dito. So, lahat 'yon, expenses paid ng amo ko,” kuwento ni Cherrie.
Isang taon na naghintay si Cherrie sa Dubai bago lumabas ang kaniyang visa, samantalang nauna na ang kaniyang mga amo sa Switzerland.
"Nasa Dubai lang ako, naghihintay. Wala kaming amo that time. Sila kasi, nandidito (Switzerland) na... Nasa hotel apartment lang. Actually, gym, kain,” kuwento niya.
Financial company umano ang business ng kanyang mga amo.
"Nalaman ko na sila yung klase ng tao na nag-a-appreciate ng mga empleyado. Alam nila kung ano 'yung worth mo. Tumaas ang inspiring feeling mo. Nalalaman mo na importante ka sa kanila, kasi pamilya talaga ang turing nila sa akin,” ani Cherrie.
Sa gitna ng panayam sa kaniya, sinorpresa si Cherrie ng video greeting ng kaniyang amo na si Chloe Alzarka.
Chloe Alzarka / Photo credit to the owner
Chloe Alzarka / Photo credit to the owner
"She is very loyal to our family. She is very honest, I can trust her with my children. She is very organized, super organized,” sabi ni Chloe, na pinuri si Cherrie sa galing niya sa flower arrangement.
“If one of my kids is sick, she will be here for him. She’s very, very loyal. She has a big, big heart,” dagdag ni Chloe.