Kahit may kumakalat na sakit ngayon sa buong mundo at mas lalong humirap ang buhay ay mayroon parin mga taong nagagawang manlamang o magnakaw sa kapwa.
Melvin Dela Cruz / Photo credit: Russel Simoria GMA
Nakakalungkot isipin na imbes magbatak sila ng buto at maghanap buhay ay gumagawa pa sila ng masama para lamang kumita ng pera sa mabilis na paraan.
Kaya naman kawawa talaga ang mga taong nabibiktima ng mga kawatan dahil ang perang nawala sa kanila ay galing sa dugo’t pawis at kanilang pinaghirapan.
Samantala, isang 24-anyos na ama ang umiiyak matapos umanong tangayin ng magnanakaw ang perang inipon upang ipambili ng gatas at gamot sa kanyang anak na may sakit.
Melvin Dela Cruz / Photo credit: Russel Simoria GMA
Melvin Dela Cruz / Photo credit: Russel Simoria GMA
Sa Facebook post ni Russel Simoria GMA, in-upload nito ang mga larawan ni Melvin Dela Cruz kung saan makikita na umiiyak ito habang ini-interview.
Mula sa Barangay Tapuac Dagupan City si Melvin.
Ayon sa post, nakalapag umano sa lamesa ang bag ni Melvin nang tangayin ito ng isang lalaki na nagpanggap na customer sa pinapasukang tailoring shop.
Melvin Dela Cruz / Photo credit: Russel Simoria GMA
Melvin Dela Cruz / Photo credit: Russel Simoria GMA
Ani Melvin, dalawang buwan niyang pinag-ipunan ang P6,000 pesos na kinuha ng kawatan.
Nag-iwan naman ng contact number si Russel para sa mga netizen na gustong tumulong kay Melvin.
Narito ang buong post:
“Umiiyak ang 24-anyos na ama na si Melvin Dela Cruz matapos tangayin ng kawatan ang perang pambili sana ng gatas at gamot ng kanyang dalawang taong gulang na anak na may sakit sa Barangay Tapuac Dagupan City.
Nakalapag sa lamesa ng pinapasukang tailoring shop ang bag niya nang tangayin ng lalaki na nagpanggap na customer.
Dalawang buwan niyang inipon ang 6,000 pesos na perang kinuha sa kanya. Nanawagan siya ng tulong dahil pambili din sana ito ng gamot sa sakit niyang highblood.
Sa mga gustong tumulong tumuwag kay Melvin sa numerong 09100795660.”
May mga netizens naman na nagpa-abot ng kanilang tulong kay Melvin sa pamamagitan ng Gcash account nito.
Kahit raw papiso-piso ay malaking tulong na ang maipaaabot sa kawawang ama.
"Sana may magandang loob na makatulong kay kuya. Kahit piso piso lang malaking tulong na sakania un pag naipon.. kawawa naman sya. Pambili gamot at gatas ng anak nya tinangay pa," sabi ni Jake Copa.
***
Source: Russel Simoria GMA | Facebook