Sa kamakailan lang na panayam ng batikang talkshow host na si Boy Abunda kay Kisses Delavin, isang kandidata sa katatapos lang na Miss Universe PH 2021. Nabanggit ng dalaga kung gaano ito katipid noong siya'y nag aaral pa lang.
“Sina mommy and daddy, pinapabaunan ako ng P1000 per day… pero I think I would spend mga P100, one week na yun, because I always [ate] at home.”
Ito ang naging pahayag ni Kisses ng magbalik tanaw ito noong siya'y naging estudyante ng De La Salle University ng mahigit 1 taon.
Mula ng nabanggit niya ito kay Tito Boy sa nasabing interview ay kaliwa't kanan na ang naglabasang mga opinyon ukol dito.
May mga iilang tumaas ang kilay sa nakabibiglang katipiran sa pera na nabanggit ni Kisses, subalit marami rin namang dumepensa na posible na man ito gayung 'walking distance' lang daw ang tinutuluyan ni Kisses, habang siya'y nag aaral sa prestihiyosong unibersidad.
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Naging batayan naman ang pagiging praktikal ni Kisses upang mas suportahan ito ng kaniyang mga taga hanga at lalong kabiliban dahil kahit bago pa man makilala sa mundo ng showbiz ay likas na itong mapagpakumbaba.
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Hindi naman nagpahuli ang mga tropang "SANA ALL" sa diskusyunan at nagbahagi rin ng mga kani-kaniyang 'memes' na kinaaliwan ng karamihan.
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Ilan naman sa ating mga dakilang frontliners ang nakisali rin sa usapan at ipinupunto kung gaano kahalaga ang P1,000 libong pisong budget para sa kanila.
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Pero sa gitna ng mainit na diskusyunan ay nariyan naman ang mga pamatay sunog na mga 'nyutralayzers' para paigtingin ang tensyon at ipaalala sa lahat, na hindi kasalanan ng PBB housemate/Miss Universe PH candidate ang pagkakaraoon ng 1k pesos na baon.
Hindi anila dapat batikusin si Kisses dahil lang sa kakayahan ng mga magulang nito na magbigay na naturang halaga.
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Ngunit isang seryosong usapin ang nabuksan, nang magbahagi ng kaniyang opinyon ang Twitter user na si @agadsramirez.
Ayon dito, ang pahayag ni Kisses sa "Purple Chair Interview Series" ni Boy Abunda kung gaano siya katipid ay hindi naaayon sa panahong ito.
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Preview.ph | Facebook
Binigyang diin naman ni Kisses na ang ugali ng pagtitipid ay bunga ng pagiging saksi nito sa pagsisikap ng kaniyang mga magulang.
“I remember when I was a child, my mother and father would work from Monday to Sunday. I learned the value of money… I don’t like to spend money that much… because I know how hard it is to earn that money,”
Source: Preview.ph | Facebook