Ano nga ba ang papel at mga responsibilidad na dapat gampanan ng mga Ninong at Ninang? Dapat bang mayroon sila palagi kung may pabor na hinihingi sila Kumare o Kumpare? Dapat lang bang iasa sa kanila ang sa tuwing may mga pagkakataong nangangailangan ka?
Hindi maitago ni Jenny Cadenas Torino, isang Ninang, na ibahagi ang pangyayari na akala niya'y mababasa niya lang sa mga posts sa social media at ngayo'y isa narin siya sa mga nabiktima.
"Akala ko mababasa ko lang sa Facebook, mararanasan ko din pala,"
Ito ang pinost ni Jenny na ikinagalit ng kumare niya | Jenny Cadenas Torino |
"Yabang mo na ah? pero kapag inutangan laging walang pera," chat ng Nanay ng inaanak niya.
Tila nangompronta ang kaibigan ni Jenny sa mga nabibili nitong gamit, gayong noong nangangailangan umano ito ng tulong pinansyal para sa nagkasakit na anak ay hindi niya nagawang tulungan.
"Daming pambili ng kung ano pero di makatulong nung may sakit inaanak niya, awit sayo be,"
Paglilinaw naman ni Jenny na nagpaabot siya ng pera noong nagkasakit ang inaanak nito, ang hindi niya lang naibigay ay yong inuutang ng Kumare niya na naging mitya ng galit nito dahil umano sa kanyang kadamutan.
"Nung sinabi kong wala akong mapautang dahil priority ang tuition fee, nagalit ang damot ko daw,"
"Nakakawalang gana yung binigyan mo na nga e madamot ka pa din tapos hindi pa marunong magpasalamat,"
Pag-aamin pa ni Jenny, hindi niya alam na kinuha pala siyang Ninang ng kaibigan niya noon dahil hindi naman daw siya imbitado noong bininyagan ang anak nito at wala rin naman ang pangalan niya sa baptismal certificate ng inaanak. Sinabihan na lamang siya ng Ninang siya sa pamamagitan ng chat ngunit tapos na ang binyagan.
"Hoy inaanak mo to ah. Sabi ko kailan yung binyag, sabi niya tapos na daw. Tapos yong anak niya non naglalakad na,"
Mensahe ng Kumare niya | Jenny Cadenas Torino |
"Tapos may isang beses na nangutang ulit siya panghanda daw, tapos sabi ko kung wala huwag ng ipilit. Ang importante buhay tayo tsaka lilipas din naman yun kung walang-wala talaga,"
Naniningil pa nga umano ang nanay ng inaanak niya sa mga naging utang nito dahil sa mga palyang bigay nito tuwing pasko.
Pinagdadasal nalang din daw ni Jenny ang kaibigan at kumare niya na sana baguhin na nito ang ugali niya kasi isa na siyang Ina, magiging kawawa ang anak niya sa huli sa ganoong pag-uugali na tila ba'y naiinggit.
Narito ang buong kwento ni Jenny:
Matatawa ka na lang talaga sa mga ganitong tao, so I blocked her na lang kasi ang ingay.
Unang una, hindi ko po yan binili, I just got that necklaces for free sa mga Sh0pee h@cks na ginagawa ko kaya nga madalas makapag Jollibee ng tagpipiso lang e.
Nung may sakit anak niya, I gave her money (no need to brag how much) tapos sabi niya kinabukasan baka pwedeng mangutang at nung sinabi kong wala akong mapautang dahil priority ang tuition fee, nagalit ang damot ko daw pero hinayaan ko na lang at the next day ay chat ng chat na naman pero hindi ko na nirereplyan, kasi nakakawalang gana replyan yung binigyan mo na nga e madamot ka pa din tapos hindi pa marunong magpasalamat.
And lastly, hindi ako invited sa binyag haha. Bigla na lang ako sinabihang inaanak ko. Wala nga din name ko dun sa baptismal pero sige na lang ako since kaibigan ko naman, and tuwing Christmas nag aabot ako dati pamasko, kaso syempre hindi naman na magagawang maging consistent dahil hindi naman laging meron kaya ayun, dami ko na daw utang.
Marunong naman ako magbigay ng kusa kung meron, kaya sana hindi nang oobliga.
Akala ko mababasa ko lang sa Facebook, mararanasan ko din pala haha.
"Awit sayo be🤧"
***
Source: Jenny Cadenas Torino
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!