Netizen, buong pusong pinasasalamatan lahat ng mga delivery riders: "I salute y’all! Lahat ng unos, susuungin nila" - The Daily Sentry


Netizen, buong pusong pinasasalamatan lahat ng mga delivery riders: "I salute y’all! Lahat ng unos, susuungin nila"





Sa kasagsagan man ng bagyo at kalagitnaan ng katirikan ng araw, hindi sila tumitigil sa paghahatid serbisyo upang maihatid lamang lahat ng mga orders, talaga naman dakilang frontliners din kung sila'y maituturing. 


Nakakalungkot ngunit marami sa kanilang mga delivery riders ang nagkakasakit at sumuko na sa buhay dahil sa uri ng kanilang trabaho, kalimitan naaabutan na ng init, ulan at baha sa gitna ng daan sa paghahanapbuhay. 


Nagviral kamakailan lamang ang isang delivery rider na sinuong ang malakas na ulan at inabot na ng gabi sa pagdedeliver ng mga items na mga order mula sa online shopping app.  



Ipinost ni Aera ang isang sitwasyon kung saan hindi na niya inasahan pang maideliver pa ang kanyang order sa araw na dapat niya itong matanggap dahil sa sobrang sama ng panahon at sobrang lakas ng ulan. 



Ngunit ang hindi niya inasahan ay naideliver parin ng isang delivery rider kahit inabot na ito ng gabi at kasagsagan ng may bagyo.


"I took photo of my order a while back ‘coz it breaks my heart tbh.🥺"


"I wasn’t expecting na this will still be delivered, almost 8:00pm na kanina. Knowing that we are having a bad weather. Sobrang lakas ng ulan." 


Nagulat si Aera ng makatanggap ng tawag mula sa rider at doon niya nakita paglabas niya ang pagod na pagod at basang-basa na driver. 


"Bumaba agad ako and I saw his face na pagod na, tapos umuulan pa. Nag-offer ako ng coffee kay kuya and ask him to stay for a while, patilain man lang yung ulan. Then sabi niya, marami pa raw sha ide’deliver,"


Masakit lang minsan isipin at makita sa ibang posts na mayroon sa mga kapwa natin na walang respeto at awa sa kanilang mga essential workers.



Yung iba ay pinapahiya at pinapagalitan dahil sa tagal ng delivery, at ang iba naman ay halos mga nabibiktima ng mga fake bookings na kailangan nilang bayaran sa sarili nilang pinagpagurang kakaunting kita. 


"I’m posting this guys, not to pull myself up, but to remind y’all na we should appreciate their job. Na lahat ng unos, susuungin nila para lang ma’deliver order natin on time," 


Narito ang kabuuang post ni Aera BP II


I took photo of my order a while back ‘coz it breaks my heart tbh. 🥺


I wasn’t expecting na this will still be delivered, almost 8:00pm na kanina. Knowing that we are having a bad weather. Sobrang lakas ng ulan. 


Nung tumawag si kuya’t sinabing  baba na sha, walang lumabas sa bibig ko kundi, “Hala. Totoo ba kuya? Ano oras na.” And he replied, “Yes Ma’am.” 


Bumaba agad ako and I saw his face na pagod na, tapos umuulan pa. Nag-offer ako ng coffee kay kuya and ask him to stay for a while, patilain man lang yung ulan. Then sabi niya, marami pa raw sha ide’deliver. 


Hindi ko na pinilit kaya ginawa ko, binigyan ko nalang sha ng tip. Then ayaw niya tanggapin, kasi malaki raw mashado and nakakahiya. Ang ginawa ko, iniwan ko sa motor niya sabay takbo nalang. And may pasigaw na “Thank You.” ❤️


I’m posting this guys, not to pull myself up, but to remind y’all na we should appreciate their job. Na lahat ng unos, susuungin nila para lang ma’deliver order natin on time. 


To all delivery man out there, I salute y’all! Mag-iingat po kayo lagi! Stay healthy. ❤️ 


***

Source:  Aera BP II

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!