Mabilis na nag-viral sa social media ang ginawang pagtatanim ng mga halaman ng isang netizen sa nakatiwangwang na ginagawang kalsada sa Liloan, Cebu.
Photo credit: Celine Sotto
Ani Celine, matagal na raw napabayaan ang kalsada kaya naisip niyang lagyan ito ng mga halaman.
Dagdag pa niya, wala na rin pumupuntang construction workers upang ayusin ang daan na sinira nila.
"Matagal nang naka tiwang-wang ang ginagawang kalsada, at halos wala namang dumadating na mga construction worker upang ayusin o gawin ang kanilang sinirang kalsada kung kaya't tinaniman ko nalang ng mga halaman,” sabi ni Celine.
Photo credit: Celine Sotto
Photo credit: Celine Sotto
Dahil sa pag-viral ng kanyang post ay nakarating sa pamunuan ng kanilang lungsod ang pangyayari at nangako ang contractor na tatapusin na ang kanilang proyekto.
Sa ngayon ay tinanggal na raw ng contractor ang mga halaman.
Umani naman ng maraming batikos mula sa mga netizens ang ginawang kapabayaan ng mga namamahala sa nasabing lungsod.
Photo credit: Celine Sotto
Photo credit: Celine Sotto
"Kung hindi pa tataniman ng mga halaman at hindi magiging viral hindi kayo kikilos, ang tagal napalang nabakante ng kalsadang sinira at ginagawa ninyo hindi ninyo man lang tinapos,” sabi ni Irene Garcia.
“Dapat ang tinamim dyan yung 3months pwedi ka mag harvest gaya ng Sweet Corn,” dagdag ng isang netizen.
“Minsan nga bagong gawa pa lang kalsada, bubutasan at huhukayin na uli para gawin. Tapos kaya naman tapusin agad, iiwanan pa muna na nakatiwangwang lang.”
“Dapat pag may roadworks, nakapaskil yung pangalan ng contractor (if meron), contact person, picture nila tsaka timeline,” sabi ng isa pang netizen.
***
Source: News5