Mura bumuhos ang luha, hindi matanggap ang pagkawala ni Mahal - The Daily Sentry


Mura bumuhos ang luha, hindi matanggap ang pagkawala ni Mahal





Labis na ikinagulat ng lahat ang biglaang pagpanaw ng sikat na komedyanteng si Mahal. Kamakailan lamang ay makikita pa itong malakas at masaya nang bisitahin nya sa probinsya ang kanyang matalik na kaibigan na si Mura. 

Sa kanilang huling pagkikita na mapapanuod sa kanyang vlog, walang mababakas na iniindang karamdaman ang namayapang artista dahil sa kanyang sigla at dalang good vibes. Kaya naman ganoon na lang din ang pagkabigla ni Mura nang makarating sa kanya ang masamang balita na ito. 



Sa isang video, makikita ang reaksyon ni Mura na labis-labis ang pagdaramdam dahil sa pagkawala ng taong itinuring nya nang totoong kapatid. 

Ani Mura, hindi sya nakatulog masyado mula nang marinig ang sinapit ng mahal nyang kaibigan.

"Nabigla ako eh. Hindi ako naniniwala eh. Hanggang ngayon." bungad ni Mura. 



"Hindi talaga ako naniniwala na si Mahal patay na." pagpapatuloy nya. 

Aniya pa, nagduda sya no'ng una nya itong makita sa social media at inisip na baka fake news lang ito. 



"Noong pumunta dito ang lakas lakas pa nya eh. Parang wala syang nararamdaman, gano'n. Yung parang ang saya nya. Masayahin sya lagi." 

Wala din umanong idea si Mura kung may sakit si Mahal kung kaya hindi sya makapaniwala sa malupit na sinapit ng naturang kaibigan. 


Ayon sa balita, COVID-19 ang naging dahilan ng pagkawala ni Mahal o Noemi Tesorero sa totoong buhay sa edad na 46.