Mga walang respeto na estudyante, Trending matapos kumalat ang pambabastos at pagmumura nila sa kanilang Guro - The Daily Sentry


Mga walang respeto na estudyante, Trending matapos kumalat ang pambabastos at pagmumura nila sa kanilang Guro




Hanggang saan kaya ng pasensya ng ating mga Guro ang mga dagdag pasaning iba't ibang pag-uugali ng mga estudyanteng ginagabayan nila sa kanilang pag-aaral upang matuto?


Viral ngayon ang mga kumakalat na kuhang larawan ng mga naging sagutan sa group chat at ang lantarang pambabastos ng mga estudyante sa kanilang Guro. 


Nag-umpisa lamang ang lahat sa pinaka-simpleng dahilan nang hindi nakapag-send ng soft copy para sa magiging aralin nila si Hans Machacon, ang subject teacher na kasalukuyang nagtuturo sa Abellana National School Day and Night - DepEd Region 7, Cebu, na kalaunan ay siya pa ang humingi ng pasensiya sa kanyang mga estudyante.



Ngunit tila walang karespe-respeto ang kanyang mga estudyante at walang pakundangang pinagsasalitaan siya ng hindi maganda sa kanila mismong group chat at walang pigil sa kanilang pagmumura.


Paliwanag ng Guro, ang buong akala niya ay naibigay na ng class adviser nila ang kinakailangang link ng mga estudyante para sa subject na tinuturo niya. 


Ayon pa kay Mary Grace Sumalinog, kaklase ng mga involve na estudyante, pati na umano ang kanilang Filipino teacher ay hindi na nakayanan ang masasamang ugali ng mga kaklase niya at umalis na sa naturang group chat.


Nangako naman ang pamunuan ng nasabing paaralan na kanilang aaksyunan ang nangyaring insidente. 


"In the light of the recent issue, rest assured that the school will take action which is deemed to be in the best interest of all the parties involved, mindful of the existing school rules and laws, under the principle of fairness,"


Marami ang naglabas na kanilang suporta para kay Sir Machacon, hindi nila lubos maisip na sa sobrang kabaitan ng Guro ay winalanghiya nalang ng mga estudyante.


"Sir Hans Machacon  were all very supportive of me. I will be forever grateful to Sir Hans for his help since I would not be where I am now without it," salaysay ng dating estudyante ni Machacon, na halos mag drop-out  na sa pag-aaral kung di lang siya tinulungan ng guro makahabol. 


"I hope the Grade 9 students who disrespected Sir Hans learned their lesson. You disrespected a phenomenal ANS teacher. As a result, you must accept the consequences of your mistake," dagdag niya.


Narito ang mga kuhang larawan ng mga naging palitan ng mga estudyante sa kanilang group chat: 





























***

Source: Gwyneth Gabales RacazaJael Keziah Zerda Tadle

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!