Matandang lalaki, nakatira sa loob ng tambak na basura - The Daily Sentry


Matandang lalaki, nakatira sa loob ng tambak na basura



Kakayanin mo bang tumira o matulog sa tambak na basura? Kahit na sino siguro ay hindi nanaising tumira dito.
Photo credit: Attorney Kevin Amutan Anarna

Ang mabaho at masangsang na amoy ng basura ay hindi masisikmura ninoman. Kaya naman mas pipiliin ng ilan na matulog na lang sa kalye imbes na sa basuran.

Ngunit ano ang gagawin mo kung wala ka ng ibang mapuntahan? Ito ang nakakalungkot na kwento ng isang matandang lalaki na nakatira sa loob ng tambak na basura.

Sa Facebook post ni Attorney Kevin Amutan Anarna, ibinahagi nito ang mga larawan ng nasabing matanda.
Photo credit: Attorney Kevin Amutan Anarna

Ayon kay Atty. Anarna, sa loob mismo ng tambak na basura nakatira si tatay. Medyo mahiyain at naiilang daw ito sa mga tao kaya nahirapan siyang kumuha ng impormasyon tungkol dito.

Noong una ay ayaw pa nitong ibigay ang kanyang pangalan, ngunit dahil sa pangungulit nila ay sinabi rin ni tatay Baldo ang kanyang pangalan.

Ayon pa kay Atty., kalahati lamang ng katawan ni tatay Baldo ang kasya sa loob ng tinutulugan nito.

Hindi ko maisip kung paano na ang kalagayan ni tatay tuwing may bagyo o umuulan. Delikado rin sa kanto na iyon na maraming naaksidente,” sabi ni Attorney.

Makikipag-coordinate raw sina Atty. sa LGU at umaasa siyang mahahanap ang pamilya ni tatay Baldo.

Narito ang buong post ni Atty. Anarna:

"Nakadaan na po ba kayo sa may kanto ng Brgy. Biluso sa Silang? Napansin ninyo siguro yung parang may bundok ng basura sa kanto.

May nakatira po doon sa loob. Medyo mahiyain si tatay at mailang sa mga tao kaya mahirap kumuha ng impormasyon sa kanya. Pero sa pangungulit namin ay nabanggit niya na Baldo daw ang pangalan nya at nakatira siya sa San Pablo, Laguna.





Hindi namin ma verify pa kung taga doon talaga siya pero makikipagcoordinate kami sa LGU ng San Pablo.

Sobrang liit lang ng tinutulugan ni tatay baldo. Kalahati lang ng katawan nya ang kasya sa loob ng tambak ng basura. Hindi ko maisip kung paano na ang kalagayan ni tatay tuwing may bagyo o umuulan. Delikado rin sa kanto na iyon na maraming naaksidente.

Hopefully makita na natin ang pamilya ni tatay Baldo at makauwi na siya sa piling ng nag-aalalang kamag anak niya.

Tulong-tulong ay hinahanda na natin ang malilipatan na maayos na bahay at lupa ni tatay Baldo."