Photo credit to Philippine Star |
Viral at hinahangaan ngayon ng online community ang isang 'working student' na tubong Mindoro na ngayon ay nakikipagsapalaran sa siyudad upang makapagtapos ng pag-aaral. Siya ay si Jermelyn Hatulan, 2nd year Industrial Engineering student. Isang empleyado sa madaling araw, estudyante sa tanghali at balik trabaho sa gabi.
Kwento ni Jermelyn, araw-araw ay gumigising siya ng alas-dos ng madaling araw upang magtinda sa palengke. Pagdating ng alas-syete ng umaga ay nagtrarabaho naman siya bilang waitress at taga-hugas ng pinggan sa karinderya doon.
Photo credit to Philippine Star
|
“Ito ’yung buhay ko sa araw-araw. Gigising ng alas-dos ng madaling araw para magtinda sa palengke.”, kwento ni Jermelyn.
Ganito raw ang schedule niya araw-araw at kailangan niyang gawin ang lahat ng iyon upang masuportahan ang kanyang mga gastusin bilang isang estudyante.
Ganito raw ang schedule niya araw-araw at kailangan niyang gawin ang lahat ng iyon upang masuportahan ang kanyang mga gastusin bilang isang estudyante.
Photo credit to Philippine Star |
Aniya, sobrang hirap diumano ng buhay sa kanilang probinsya at walang signal ng internet sa kanilang lugar. Kinakailangan pa raw niyang bumyahe ng ilang minuto upang makarating sa lugar kung saan siya nakakasagap ng signal para sa online class.
Kaya naman naisipan ni Jermelyn na mamalagi na muna sa Metro Manila at makitira pansamantala sa kanyang tiyuhin sa Quezon City. Dito ay nagdesisyon siyang magtrabaho habang nag-aaral na makatutulong din sa pangaraw-araw niyang pangangailan bilang estudyante. Ani Jermelyn malaki ang naging benepisyo ng pagtira niya sa lungsod dahil malakas ang internet connection dito kumpara sa kanilang probinsya.
At dahil sa sobrang determinado siyang makatapos ng pag-aaral ay kinailangan niya ring mag-double job habang nag-aaral online.
Sa dalawang trabahong ito nakakalikom raw siya ng P550 kada araw para sa kanyang mga personal na pangangailangan.

Ngunit tulad rin ng ibang 'working students', nahihirapin din diumano si Jermelyn na hatiin ang kanyang oras at madalas ay konti lang talaga ang kanyang pahinga sa araw-araw.
Minsan nga raw ay hindi naiiwasang mag-'overlap' ang kanyang oras ng trabaho at klase. Kaya naman palagi niyang dala ang kayang cellphone at earphones para kung sakaling abutan siya ng oras ng klase sa palengke ay makaka-aatend pa rin siya ng klase.
Aniya, sobrang hirap raw talaga pagsabayin, kaya minsan habang nag-huhugas siya ng plato ay suot-suot ang earphones at nakikinig sa kaniyang guro.
At kahit raw sobrang hirap, hindi na rin naman ito bago sa kanya dahil noong nasa high school pa lamang siya ay nagbebenta rin siya ng 'food packs'' sa kanyang mga kamag-aral at nagtrabaho na rin sa isang fast food chain, upang makatulong sa gastusin nilang pamilya.
Dagdag ni Jermelyn, gusto niyang maging proud sa kanya ang kanyang pamilya kaya naman sa ngayon ay kailangan niya munang magtiis upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Payo niya sa mga kabataan na tulad niya, "WAG PO TAYONG SUSUKO. Ang kailangan lang natin ay magpray lang palagi at wag po tayong paghihinaan ng loob."
Source: Philippine Star