Masamang epekto dulot ng labis na pagkahumaling sa mobile games, ibinahagi ng netizen - The Daily Sentry


Masamang epekto dulot ng labis na pagkahumaling sa mobile games, ibinahagi ng netizen



Napakaraming online games at mobile games ang naglabasan ngayon dahil na rin sa makabagong teknolohiya sa ating panahon.
Photo credit: MarkGil Carandang

Isa nga sa pinaka popular na mobile games ay ang ML o Mobile Legends na lubhang kinaadikan hindi lamang ng mga bata kundi kahit anong edad ay nahuhumaling sa larong ito.

Kaya naman pinapaalalahanan ng mga eksperto ang mga magulang na huwag pababayaan o hahayaan ang kanilang mga anak na tuluyang malulong sa larong ito.

Samantala, isang netizen ang nagbahagi sa naging masamang epekto sa kalusugan ng kanyang nakababatang kapatid dahil sa paglalaro ng Mobile Legends.

Sa Facebook post ni Markgil Carandang, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang kapatid na talaga namang nakakaawa ang sitwasyon.
Photo credit: MarkGil Carandang
Photo credit: MarkGil Carandang

Ayon kay Carandang, dahil sa sobrang pagkahumaling ng kapatid sa mobile games ay napabayaan na nito ang kanyang kalusugan.

Madalas ay nalilipasan raw ito ng gutom at inaabot ng madaling raw dahil sa walang tigil na paglalaro.

Aniya, hindi naman sila nagkulang ng kanyang mga magulang sa pagpapaalala sa kapatid nito na huwag pabayaan ang sarili. Lagi nila itong sinasabihan na kumain sa tamang oras at huwag magpupuyat.

Ngunit dahil sa sobrang pagkalunod sa ML ay hindi na nito nakontrol ang sarili kaya lubusan nang naapektuhan ang kanyang kalusugan.

Walang binanggit si Carandang sa kanyang post kung ano ang naging sakit ng kanyang kapatid at kung ano ang kondisyon nito, ngunit makikita sa mga in-upload niyang mga larawan na tila tuliro ito at hinang hina ang katawan.
Photo credit: MarkGil Carandang

Napakapayat rin nito at nakaratay lamang sa higaan. Mayroon din itong oxygen tank na ginagamit lamang kapag hirap huminga ang isang tao.

Kaya naman, payo ni Carandang para sa mga ginagawa umanong bisyo ang ML.

Sana’y makapulot ng ideya ang makakabasa nito [at] sana’y walang mambash sa post ko… Nawa’y gawin nating libangan ang ML at ‘wag gawing bisyo. Sumunod tayo sa payo ng ating mga magulang at nakatatandang kapatid…

Mabilis na nag-viral ang post ni Carandang at marami ang naawa sa naging sitwasyon ng kanyang kapatid.

May mga netizens na sumang-ayon sa pahayag ni Carandang tungkol sa masamang epekto sa kalusugan ng sobrang paglalaro ng Mobile Legends

Ngunit mayroon ding mga netizens ang nagsasabing wala sa Mobile Legends ang problema kundi nasa tao mismo. Anila, hindi kayang kontrolin ng tao ang kanyang sarili kaya ito nahumaling sa laro. Kulang umano ang mga ganitong tao sa disiplina.

Hindi sa ML ang problema kundi sa tao. Nakadepende kasi ‘yan kung paano mo e-control, eh. ‘Yung laro, laro lang ‘yan. Pwede ka naman tumigil sandali para kumain tapos pahinga. ‘Yung mga pro-player nga di nagkaganyan eh na mas batak sila kasi binabalanse nila ‘yung sa laro, pagpapahinga at pagkain. Nasa tao ‘yan,” paliwanag pa nga tungkol dito ng isang netizen.

Samantala, napag-alaman namin na pumanaw na pala ang kapatid ni Carandang noong Mayo 29, 2021.

Sa Facebook post ni MaryGilyn Carandang, nakiusap siya sa mga netizens na huwag i-bash at magbigay ng masamang komento patungkol sa kanyang kuya na namayapa na.

Narito ang kanyang buong post:

"Clear kolang po don sa mga tao na nagcomment ng di maganda sa kuya ko namayapa na about sa ML ONLINE GAMES! Yes nagkasakit na si kuya noon nakarecover napo sya sa kanyang sakit 2019 sya nagkasakit nakarecover din po sya, bumalik lang po ang sakit ng kanyang nararamdaman nung simula sya maglaro ng ML online games, sa mga adik maglaro ng mga online games nayan, halos mapapabayaan ang sarili , Late kumaen late matulog at minsan e kung ano ano nalang junkfoods ang kinakain at softdrinks, Lahat ng tao ay Hindi perpekto oo nga't nagkamali si kuya non dahil napabayaan nya ang kanyang sarili sa kakalaro ng ML nayan, pero sana respeto naman po kahit kaunti sa namayapa kong kapatid na pumanaw na at nagagawa nyopa ng Masamang komento, ang post kopo naito ay isang Aral lamang po sa mga tao naglalaro ng ML o ano mang Online games , na wag papabayaan ang inyong sarili dahil sa kakalaro ng Online games ! Pwede gawing libangan wag lang kaaadikan.

Ulitin kopo konteng respeto naman po sana sa aming kapatid na namayapa na ! Di din po naman siguro kayong perpekto tao na nilikha kaya wag po sana kayo magcomment ng masamang komento sa tao namayapa na ! Nagbigay Babala lang po kami dipo para ibash nyo kami kundi magbigay aral sa ibang tao na naglalaro ng ML o ONLINE GAMES !"