Mag-ina mula sa Negros Occidental, parehas nang centenarian - The Daily Sentry


Mag-ina mula sa Negros Occidental, parehas nang centenarian



Hinangaan at ikinatuwa ng mga netizens ang mag-inang mula sa Negros Occidental na parehas nang centenarian.
Lola Magdalena at Lola Francisca Susano / Photo credit to the owner

Si lola Francisca Susano na taga Kabankalan, Negros Occidental ay kinikilala bilang oldest person living in the Philippines.

Si lola Francisca ay 123 taong gulang at magdiriwang ng kanyang kaarawan sa darating ng Setyembre 11. Siya ay may labing-apat na anak.

Ang isa sa kanyang mga anak na si Magdalena ay umabot na rin sa edad na 101.
Lola Magdalena  / Photo credit to the owner
  Lola Francisca Susano / Photo credit to the owner

Kwento ng mga kasama ni lola Francisca, mahilig raw itong kumain ng gulay at prutas kaya malusog pa rin ito sa edad na 123.

Ayon sa Guiness World Records, si Jeanne Louise Calment mula sa Arles France, isinilang noong February 21, 1875 at pumanaw sa edad lamang na 122 years old ang kinikilala sa ngayon na oldest living person in the world.
Jeanne Louise Calment / Photo credit to the owner
Jeanne Louise Calment / Photo credit to the owner

Nais ng buong pamilya ni lola Francisca at ng mga netizens na kilalanin siya bilang oldest living person in the world at maitala ang pangalan sa Guinness Book of World Records.

Samantala, matatandaan rin na noong Hunyo 23, 2016 nilagdaan ni dating Pangulong Beningo "Noynoy Aquino III ang RA 10868 o Centenarians Act of 2016.

Sa kasalukuyang batas, ang mga Filipino kahit pa nasa labas ng bansa na umabot ng 100 taong gulang ay dapat makatanggap ng P100,000.
Lola Francisca Susano / Photo credit to the owner
 Lola Francisca Susano / Photo credit to the owner

Makakatanggap din sila ng sulat mula sa Pangulo upang batiin sa kanilang ika-100 taon.

Si lola Francisca ang kaisa-isang Filipino na naabutan ang pamamalakad ng 16 na presidente ng Pilipinas, mula kay dating Pangulong Emilio Aguinaldo hanggang kay kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte.


***
Source: Balita