Dala ng kahirapan kaya ang karamihan sa atin ay pinipilit na kumita ng pera sa kahit na maliit na pamamaraan. Kadalasan, kahit sa murang edad o kaya'y matandang uugod ugod na ay kumakayod para lang may pantustos sa pangaraw-araw na gastos.
Isa na rito ang kwentong ibinahagi ni Mailin Buenconsejo,
Tungkol ito sa lola na sa kabila ng kaniyang edad at hirap sa pagkilos ng kaniyang katawan, ay patuloy pa rin sa kaniyang paglalako ng basahan.
Madalas umanong makita ni Mailin si Lola na naglalako ng 'doormat' sa kalsada. Ito aniya ang pinagkukunan nila ng pambili ng pagkain nila sa araw-araw.
Kaya naman ng mabigyan ng pagkakataon na tulungan ang kawawang matanda ay hindi na ito pinalampas ni Mailin at sandaling kinausap si lola para kamustahin.
“Nay! bakit ho tanghaling tapat ay nag titinda paho kayo??"
Laking gulat na lang nito ng sabihin ng matanda na siya lang ang inaasahan ng kaniyang mga apo. Kung hindi raw siya kakayod ay sasaktan daw siya ng mga ito.
Kapansin-pansin din ang mga galos, pasa at baling buto sa kamay nito, kaya naman inusisa pa itong mabuti ni Mailin.
Mailin Buenconsejo Tiong | Facebook
Nang tanungin kung ang mga ito'y kagagawan din ba ng kaniyang mga apo. Ay lalong naawa ang netizen sa matanda.
“Oo kasi minsan mahina na ako kaya nila ako napagbubuhatan ng kamay” sagot nito.
Upang kahit papaano'y matulungan, binili ni Mailin ang paninda ng kawawang lola at kinunan ng litrato upang ipagbigay alam ang kalagayan ng matanda at kaagad na mabigyan ng tulong ang matanda.
Mailin Buenconsejo Tiong | Facebook
Mailin Buenconsejo Tiong | Facebook
Habang papalayo ang matanda upang magtinda pa ng natirang basahan ay batid sa mukha nito ang pagod at hirap sa paglalakad dahil sa kaniyang edad ay pinipilit nalamang nito ang kumayod sa araw-araw.
Kaagad namang dinumog ng simpatya ang ibinahaging kwento ni Mailin ngunit magpasangayon ay wala ng naging balita sa tinderang matanda.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"She is unfortunate but she is luckier than we, 'Matthew 5;4"
"Yang ganyang edad Ni Lola dpat hndi na xia ngwowork at Lalong hndi nya deserve na sktan..stay strong po Lola god will make way for u.."
"Sana makarating Kay sir raffy tulfo at mabigyan aksyon at tulong yong matanda at hope mahuli yong abusado nyang apo God bless!"
"Grabe naman yun apo ni lola po, dapat ganitong edad nasa bahay na lang nagpapahinga hindi yun nabababad sa initan at nagbubuhat ng lalakuin matanda na po siya e. Godbless po Lola mag iingat po parati.."
"Bkit nga b may mga tao mga anak at apong ganyan matapos Kayong alagaan pqg mamalupitan sana sa mgq anak ko mgq magiging apo ko mgq anak ko nankatira sa mga lola at lolo sana mahalin nyo sila yan lagi ko ko sinasbi. Kahit sa mga kuya nyo. N kahit n hinde ako mahalin nyo yung ng aalaga at lagi nyo kasama bigyan nyo ng pagmamahal malasakit"